Alas Pilipinas tumiklop kontra South Korea; semifinal bid nanganganib

Photo courtesy of Volleyball PH

Nabigong pagtibayin ng Alas Pilipinas ang kanilang kapit sa Pool A matapos yumuko sa South Korea sa straight sets, 25–16, 25–18, 25–22, sa AVC Women’s Volleyball Cup 2026 sa Candon City Arena sa Ilocos Sur, Hunyo 9.

Muntik pang mapahaba ng host country ang laban matapos umabante sa 19–16 sa ikatlong set, ngunit rumatsada ang South Korea sa isang mapaminsalang 6–0 run upang agawin ang bentahe at tuluyang selyuhan ang panalo.

Bumagsak sa ikatlong puwesto ng Pool A ang Alas Pilipinas sa bisa ng 2–2 kartada at walong puntos, dahilan upang manganib ang kanilang semifinal bid dahil tanging dalawang nangungunang koponan lamang ang uusad sa susunod na yugto.

Pinangunahan ni Kang So-hwi ang world No. 38 South Korea sa kanyang 19 puntos mula sa 15 attacks, isang block, at tatlong service aces upang itaas ang kanilang malinis na kartada sa 3–0 at angkinin ang liderato ng Pool A.

Kontrolado ng South Korea ang unang dalawang set matapos samantalahin ang kahinaan ng Alas Pilipinas sa reception at floor defense habang nanatiling matalas at disiplinado sa opensa.

Nasayang naman ang matatag na kampanya ng Alas Pilipinas na pinangunahan ni Thea Gagate, na nagtala ng siyam na puntos mula sa limang attacks, tatlong blocks, at isang service ace.

Nag-ambag si Nina Ytang ng walong puntos, habang tigpitong puntos naman ang inihatid nina Alyssa Valdez at Alyssa Solomon.

Susunod na haharapin ng Alas Pilipinas ang wala pang talong Chinese Taipei sa Hunyo 11 sa isang mahalagang laban na maaaring magtakda ng kanilang kapalaran sa semifinal race.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...