Attendance check: Sino sa mga teachers na ‘to ang present sa buhay mo? 

Sa lahat ng takot, tuwa, at lungkot na naranasan natin sa paaralan, palaging may guro na nariyan— nakikinig, nagtuturo, minsan nananaway, pero higit sa lahat ay umaalalay.

May terror na teacher na nagturo sa atin ng disiplina, may chill na teacher na nagpaalala na okay lang magpahinga, at mga gurong naging higit pa sa isang guro.

Iba-iba sila, iba-iba rin ang estilo. Pero iisa lahat sila ay nakapag-iwan ng marka na hindi kailanman mabubura. 

Narito ang sari-saring mga guro na sa kahit sa isang paraan ay naging present na sa ating buhay. 

The terror 

Kapag subject na nila ang sunod sa schedule, nagsisimula ka nang magdasal na para bang buhay mo ang nakasalalay. Kapag nagsimula na ang klase, parang ayaw mo silang tingnan sa mata dahil baka ikaw ang sunod na mabunot para sa recitation. 

Pero kahit nakakakaba ang presensya nila at parang kasing hirap ng Pilipinas ang exams, sila rin ang mga guro na nagbibigay ng isa sa pinakamatinding pundasyon. 

The Ma’am Charo

Lahat ng mga lecture nila ay parang isang MMK episode din. 

Huwag ka nang magulat kung ang topic niyo ay tungkol sa ancient civilizations, pero ibang history na yata ang binabahagi niya. Mga kuwento na nagtuturo rin naman sa ating makisama, magmahal, at magpatuloy sa buhay. 

The campus crush

May mga campus crush na sikat na basketball player ng school, mga naging Miss Intrams, o ‘di kaya ang mga poging tahimik na matangkad na sa library lagi makikita. 

Pero may mga guro na hindi lang yata lessons sa curriculum ang ituturo. Aside kasi sa report card, grabe rin naman ang dala nilang face card. Isa sila sa mga nagiging motivation na pumasok araw-araw dahil baka masumpungan natin sila sa canteen, gym, o sa hallways ng school. 

The legend

Sila ang mga naging guro ng nanay, tatay, kapatid, pinsan, o baka pati na rin ng lola mo sa talampakan. At dito natin makikita na kahit lumipas man ang panahon ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal nila sa pagtuturo. 

Mothering and fathering ones

Sila ang mga tumatawag sa atin na “anak.” Sa kanilang mga simpleng reminder na umuwi nang ligtas, pagsigurado na okay lang ang lahat, o sa mga yakap ng pagmamahal, sila ang mga naging safe space natin sa paaralan. 

The time benders

Weird man pero ang mga subjects nila ay palaging bago ang recess, lunch break, o dismissal sa hapon. Hindi lang tayo sure kung nasa ibang timezone lang ba talaga sila, pero one thing’s for sure: busog na busog tayo sa learnings kahit ang tiyan natin ay tumutunog na. 

The students at heart

Kung hindi nila siguro suot ang mga uniform nila, baka makalimutan nating guro natin sila at matawag pa na “bro” o “sis.” 

Sila ang mga fashionista, gamers, Tiktokers, at mga chronically online na updated sa trends. Dito natin makikita kung gaano sila kagaling maglagay ng boundary between friendliness and professionalism. 

The comedian

Kahit minsan ay boring na ang lecture, nabubuhayan ang lahat dahil mayroon silang dalang mga banat sa klase na nagpapasaya at nagpapatawa sa atin kahit isang bases lang sa isang araw. 

Tumawa ka pa rin kahit minsan ay corny ang jokes nila dahil baka malay mo, may plus points ka. Joke! 

The considerate 

Ang mga gurong ito ang favorite ng lahat. 

Sa mga panahong nalulunod na ang lahat sa school works, siya ang hindi na dadagdag pa kasi alam nila na ang mga estudyane nila ay ubos na ubos nila. 

Iba-iba man ang kanilang mga pangalan, pero iisa ang puso nila na parang hinabi sa pagmamalasakit at dalisay.

The TOTGA

Oo, totoo sila kahit na bihira natin sila makita sa klase kasi palaging busy at kada period ay may worksheet na sasagutan. 

Pero sige, happy teachers day pa rin sa kanila. 

The teacherpreneur 

Minsan ay chalk ang hawak sa isang kamay habang sa kabila naman ay ang lalagyan ng pastillas, yema, choco balls, o kahit anong paninda. Saludo po kami sa sipag at tiyaga niyo! 

The genius 

Sila yung guro na memorized na yata ang libro, kaya kahit walang dala, alam nila ang lahat at tama sa bawat sagot. Minsan intimidating, pero sa bawat explanation nila, natututo ka hindi lang sa academics kundi pati sa pagiging mabilis mag-isip at mapanuri.

The “closer” or “other answers” 

Parang hindi talaga sapat ang mga sagot natin sa kanila. Parang palagi na lang tayong mali. 

May hinahanap siyang perfect na term at on-point na sagot. Baka nga ngayon ay may ginigisa pa siyang mga estudyante para gawing Chao Fan. 

Alexa, play Salamat by Yeng Constantino 

Sa huli, iba-iba man ang estilo at personalidad ng ating mga guro natin, napakalaki ng kanilang naitutulong sa atin. Kaya sa lahat ng teachers na “present” sa buhay natin, maraming salamat— kayo ang tunay na bida sa likod ng aming paglaki, pagkatuto, at pagtatagumpay.

6 Votes: 6 Upvotes, 0 Downvotes (6 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...