Bakit ba hindi natutulog ang isang mamamahayag?

Don Ramon Pio Babiera

Sabi nila “To be busy is a priveledge”, at sang-ayon ako doon. 

Nang malaman ko na dadayo ang Explained PH sa Davao at kami, ng Ang Daluyong at The Davao Wave, ang kanilang napiling makatuwang sa paghahanda, nang walang pag-aalinlangan,napunta na ang isip ko sa mga kailangan paghandaan. Nakakapagod man, ngunit kung ang idudulot nito ay pangmatalagan, wala ako sa posisiyon para ito’y tanggihan.  

Subalit hindi ko natansyang sunod-sunod pala ang mga pangyayari sa mga dadaan na araw.

Unang nangyari ang School-Based Press Conference (SBPC) namin. Dito, una kong naranasang manguna sa isang pangyayari para sa mga estudyanteng-mamamahayag. At kahit papano nagkaroon na kami ng ideya kung anong sistema ang pinakamainam pagdating ng JournQuest. Pero kahit naging matiwasay ang SBPC, hindi ko pa rin matatanggi na nakakapagod pa rin iyon. 

Matapos ang SBPC, bawat araw na nagdaan ay nakatuon ang sobra kong oras sa pag-iisip kung ano ba ang mga kakailanganin sa JournQuest. Unti-unti ko ring napapansin na paikli nang paikli ang tulog ko — dagdagan mo po na panghapon ang klase ko — puyat talaga ang epekto nito sa akin.

Pero hindi ako pagod. 

Dahil batid kong may patutunguhan ang lahat, sadyang hindi pa iyon hubad sa aking mga mata. 

Nang dumating na ang araw ng JournQuest, bago sa aking mga mata ang mga mamamahayag na dumalo. Bawat isa ay kakaiba; bawat isa may sariling dahilan kung bakit sila nandito. Puspusan kaming nag-atubili sa mga taong bumabyahe dahil alam namin na malayo pa ang kanilang pinanggalingan. 

Wala akong tulog noon at masyadong magulo ang isip ko. Akala ko nga ay hindi na ako magkakaroon ng pagkakataong makinig sa mga nagsasalita. Pero nang magsalita na ang Punong Patnugot ng Explained PH na si Shekinah Jedidiah M. Alima, nakita ko ang kinatatayuan ko. Kagaya niya, at gaya ng mga tanyag na mamamahayag, hindi kami natutulog dahil ginigising namin ang tatlong klaseng tao:

Ang mga muwang, ang mga ignorante, at ang mga nangangarap.

Sila ang rason kung bakit namin pinapalaganap ang pamamahayag. Hindi para sila’y husgahan o laitin, ngunit dahil sa kanila mas nagiging makabuluhan ang pamamamahayag sa bansa. At doon ko napagtanto na hindi hadlang ang pagiging estudyante upang pigilan ang sarili na makatulong sa lipunan. Dahil sa bawat araw na kami ay puyat, maraming tao ang namumulat.

Oo, nakakapagod asikasuhin at paghandaan ang JournQuest, pero nagbaon naman ito ng aral na hindi kayang palitan ng kahit anong gantimpala. At sa patuloy na paghahari ng pamamahayag sa kabataan ngayon, nawa’y maging gabay ito sa paglalakbay tungo sa katotohanan.

7 Votes: 7 Upvotes, 0 Downvotes (7 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...