Bulldogs ginapi Golden Tigers; rookie Ducusin kinarga Soaring Falcons laban sa Blue Eagles 

Photo Courtesy of UAAP Media Team
Matagumpay na sinimulan ng Adamson University (AdU) Soaring Falcons at ng reigning champion na National University (NU) Bulldogs ang kanilang kampanya matapos magtala ng tig-isang panalo sa pagbubukas ng UAAP Season 88 Men’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena nitong Linggo, Pebrero 15.

Walang kahirap-hirap winalis ng defending champion na National University Bulldogs ang University of Santo Tomas (UST) Golden Tigers, 25–22, 29–27, 25–19, bilang panimula sa kanilang kampanya para sa inaasam na six-peat.

Matapos ang dikitang unang dalawang set, tuluyang kumawala ang NU sa ikatlong set at nagtayo ng 13–5 abante sa likod nina Buds Buddin at Leo Ordiales, na nagtala ng pinagsamang 27 kills sa laban.

Maagang tumipa si Ordiales, katuwang si Peng Taguibolos, ng mahalagang 3–0 run mula sa 20–16 upang palawakin ang lamang sa 23–16, na nagselyo sa panalo ng Bulldogs.

Limang manlalaro ng NU ang nagtala ng mahahalagang puntos upang mapanatili ang kanilang composure at dominasyon sa laro. Bukod kina Buddin at Ordiales, nag-ambag din sina Jade Disquitado at Taguibolos ng tig-walong puntos.

Nagpamalas din ng mahusay na playmaking si Greg Ancheta na may 17 excellent sets, habang nagdagdag si Obed Mukaba ng limang puntos para sa Bulldogs.

Maagang nakontrol ng NU ang unang set sa pangunguna ni Taguibolos, at naging susi ang kanilang depensa nang makalapit ang UST sa 23–22 matapos ang quick attack at block laban kay Josh Ybañez, bago tuluyang isinara ang set, 25–22.

Nagpatuloy ang dikitang salpukan sa ikalawang set kung saan umabot pa sa set point ang Golden Tigers. Gayunman, nakaresbak ang Bulldogs sa pamamagitan ng mahalagang puntos ni Disquitado para sa 28–27 bentahe, bago isinara ni Mukaba ang set sa isang block laban kay Sherwin Umandal.

Ducusin umalalay; Batas naunsiyami

Pinangunahan ng 19-anyos na si Jims Ducusin ang Adamson University matapos magrehistro ng 23 puntos mula sa 20-of-45 attacks, kasama ang dalawang blocks at isang ace sa isang five-set thriller, 26–28, 26–24, 30–28, 22–25, 15–12, laban sa Ateneo de Manila University.

Umalalay ang produkto ng Adamson High School sa deciding fifth set matapos umiskor ng apat na puntos, tatlo rito ang nagbigay-daan sa paglayo ng Soaring Falcons mula sa 8–8 tabla tungo sa 13–9 abante.

Sinubukan pang humabol ng Blue Eagles nang makaiskor si Aimar Okeke sa pamamagitan ng drop ball para sa 12–14, ngunit tuluyang natuldukan ang kanilang tsansa nang maging game-winning point para sa Falcons ang service error ni reigning MVP Kennedy Batas.

Hindi rin nagpahuli si Joel Menor na tumipa ng 17 puntos, na sinundan ni Ahmed Tahiluddin na may 14 puntos at 21 excellent receptions, habang kumita rin ang setter na si Lourenz Domingo ng 19 excellent sets para kumapit sa laro.

Mahigpit ang laban mula unang set hanggang huling set, kung saan umabot sa extended points ang unang tatlong sets bago nakalamang ang Blue Eagles sa fourth set, 25–20. 

Pinagtagumpayan ng Adamson ang matamlay na fourth set at bumalikwas sa fifth set sa tulong ng tambalang Ducusin at Domingo upang tuluyang tuldukan ang laban.

Sa kabilang panig, nasayang ang 23 puntos at 13 excellent receptions ni Okeke na sinundan ni Amil Pacinio na may 20 puntos at walong digs, habang nagdagdag si Jian Salarzon ng 17 puntos at anim na puntos si Batas mula sa bench.

2 Votes: 1 Upvotes, 1 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...