
Matapos ang makapigil hiningang laban sa loob ng tatlong set, matagumpay na tinalo ng Farm Fresh Foxies ang Galeries Tower Highrisers, 25–14, 25–15, 25–12 sapat upang makamit ang unang panalo sa torneyo.
Kumawala ng 17 na puntos mula sa 13 attacks at apat na blocks si Trisha Tubu upang akayin ang tropa sa gitgitang laban.
Aminado si Tubu na maganda ang nilaro ng kaniyang kampo sa nagdaang dalawang laro sadyang naninibago lang sila sa sistema ng kanilang laro ngayon kaya nag-aadjust pa sila.
“We actually did well in the first two games, it was just we haven’t really adjusted enough to the new system, coach, and new teammates that much,” saad ni Tubu sa isang panayam mula sa The Philippine Star.
Maagang pinaulanan ng atake ni Tubu ang Galeries matapos ito kumonekta ng tatlong sunod-sunod na puntos daan upang makuha nang maaga ang momentum ng koponan.
Tumibay pa ang depensa nito sa ikalawa at huling set nang ipasok ang dalawang beteranang manlalaro na sina Mylene Paat at Royce Tubino na parehas umariba ng mga palo sapat upang buwagin ang depensa ng Galeries sa likod.
Samantala ito naman ang kauna-unahang panalong nakamit ng bagong Head Coach ng koponan na si Coach Koji Tsuzurabara.
Nxled, kinubra ikatlong panalo
Sumugal ang diwa ng Cignal HD Spikers matapos maunsyami sa Nxled Chameleons sa loob ng three set, 27–25, 25–22, 25–14 paraan upang maging undefeated team ng torneyo na mayroong 3–0 standing.
Bumida ang former setter ng De La Salle University Lady Spiker na si Jules Tolentino na gumuhit 19 excellent sets at limang puntos upang akayin ang kampo sa sagupaan.
Inamin ni Nxled Head Coach Ettore Guidetti na magiging mahirap ang laban nila kontra Cignal dahil sa depensa na mayroon ang koponang iyon.
“Honestly, we expect a very difficult game today because they are playing really good. They have a very nice beginning of the conference, they have three wins in a row. So, we expect to have a tough game and we had a tough game,” ani Guidetti sa isang panayam mula sa ABS-CBN.
Umalalay sa koponan si Van Sickle na mayroong 14 na puntos mula sa 14 na attacks habang anim na excellent digs at siyam na excellent receptions ang kaniyang inilikha.
Samantala, nangunguna sa standings ang Nxled matapos makapagtala ng 3–0 sa conference, habang mayroon naman ng talo ang Cignal sa loob ng conference.
Sunod na kakaharapin ng Farm Fresh ang Zus Coffee sa Pebrero 21, habang ang Nxled Chameleons naman ay makikipag sagupa ang Galeries Tower Highrisers sa Pebrero 19