Caraga nag-uwi ng 2 ginto sa lawn tennis doubles; tennisters, umarangkada sa Day 3 finals ng Palaro ‘26

Muling nagpakitang gilas ang Caraga sa lawn tennis doubles event matapos angkinin ang dalawang gintong medalya sa ikatlong araw ng 2026 Palarong Pambansa, na ginanap sa Datu Lipus Makapandong Gov. D.O Plaza covered court, Huwebes, Mayo 28.

Pinagtibay nito ang kanilang nakaraang kampeonato sa 2025 Palarong Pambansa kung saan isang ginto ang kanilang nakuha sa Secondary Boys Doubles event sa pangunguna ng magkapatid na Steven at Allyson Cabanilla.

Ngayong 2026 Palaro, muling nangibabaw ang karanasan ng Caraga nang kanilang madepensahan ang titulo sa nasabing kategorya matapos magbalik si Steven Cabanilla katuwang si Joshua Avila, para sa 8-5 panalo kontra sa Western Visayas.

Sa kabilang banda, umabante rin sa Elementary Girls Division sina Alexandrea Bendoy at Christine Teposo matapos takasan ang Northern Mindanao sa iskor na 8-6, swak para ibulsa ang ikalawang gintong medalya ng Caraga sa naturang kategorya.

Sa kabilang dako, dinomina ng tambalang Francis Dimzon, at Ssemiah Jay Paspie ng Davao Region ang finals match ng elementary boys kontra sa Western Visayas, 8-3.

Samantala, kabaligtaran naman nito ang naging salpukan sa secondary girls matapos ang dikdikang 8-7(5) panalo ng Mimaropa sa pamumuno nina Micaella Encarnacion at Khaliffa Ibba kontra Calabarzon.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang lawn tennis events sa mga natitirang kategorya ng mixed doubles at singles, na idinadaos sa huling dalawang araw ng kompetisyon mula Mayo 29 hanggang Mayo 30.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...