FALSE: Former President Duterte will be released next week

Neil Clarence Lagat

Isang Facebook post ang kumakalat na nagsasabing “confirmed” na umano ang paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa susunod na linggo.

CLAIM

Ayon sa viral na Facebook post:

“Confirmed, Tatay Digong will be released next week. The entire Philippines will celebrate sa pagbalik nya.. Thank you Lord🙏,” 

RATING: FALSE

CONCLUSION

Walang opisyal na anunsyo o dokumento mula sa ICC na nagsasabing palalayain si Duterte sa susunod na linggo. Nananatili siyang nasa kustodiya ng korte habang nagpapatuloy ang pre-trial proceedings sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya. 

THE FACTS

  • Kumakalat ang claim bilang isang text post sa Facebook. Gumagamit ito ng salitang “confirmed” upang magmukhang lehitimo ang impormasyon. Gayunman, wala itong ibinigay na ebidensiya o mapagkakatiwalaang source.
  • Sa pagsusuri sa mga pampublikong rekord at anunsyo ng ICC, walang nakitang kautusan o desisyon para sa pagpapalaya kay Duterte sa susunod na linggo.
  • Ang ICC ay naglalabas ng mahahalagang desisyon sa pamamagitan ng opisyal na dokumento. Hindi sapat ang isang viral post upang patunayan ang isang legal na pagbabago tulad ng pagpapalaya.
  • Wala ring inilabas na pahayag mula sa legal team ni Duterte na nagpapatunay sa sinasabing paglaya.

BOTTOMLINE

Walang opisyal na kumpirmasyon mula sa ICC na palalayain si Rodrigo Duterte sa susunod na linggo. Ang viral claim ay walang sapat na batayan. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...