FALSE: Larawan ng malaking pagtitipon, iniugnay sa rally bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta

Jhovance Alecxis Dajao

Umiikot online ang isang post na nagbabahagi ng larawan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na umano’y nagsasagawa ng pagtitipon at rally bilang suporta kay Senador Rodante Marcoleta.

CLAIM: 

Isang Facebook post noong Hunyo 30, 2026 ang nagbahagi ng larawan ng napakaraming miyembro ng INC na nagra-rally at inangking ipinapakita nito ang mga karagdagang tagasuporta na dadalo sa rally bilang suporta kay Marcoleta.

Kabilang sa nilalaman ng post ang: 

  • Ang mensaheng: “Umpisa palang ito, may parating pa. Darating kami para suportahan si Senador Marcoleta dahil gusto naming ituloy ang pag-imbestiga sa flood control upang malaman ng taumbayan kung sino ang tunay na mga kawatan sa bayan.” 

RATING: FALSE

CONCLUSION: 

Ang kumakalat na larawan ay hindi nagpapakita ng mga karagdagang tagasuporta sa rally para kay Marcoleta. Ang larawan ay mula sa isang pagtitipon na ginanap sa Bangladesh noong Hunyo 15, 2026.

  1. THE FACTS
  • Natagpuan ng AFP Fact Check sa pamamagitan ng reverse image search ang isang video na ibinahagi ng Facebook page na DiscoverBangla24 noong Hunyo 15, 2026 na nagpapakita ng kaparehong eksena sa viral na larawan.
  • Ayon sa caption ng orihinal na video, ito ay kuha mula sa demonstrasyon ng alyansa ng 11 partidong pampulitika sa Dhaka, Bangladesh. Nagtipon ang mga kalahok upang tutulan ang umano’y karahasan at deportasyon ng mga migrante sa hangganan ng India at Bangladesh.
  • Naglathala rin ng mga kahalintulad na video ang mga lokal na media outlet sa Bangladesh na Projonmo24 at Bangledesh Pratidin, na nagpapatunay sa pinagmulan ng larawan.
  • Sa pamamagitan ng pagsusuri sa Google Street View, natagpuang tumutugma ang mga nakikitang overpass at riles ng tren sa lugar malapit sa Shabagh Metro Station sa Dhaka, Bangladesh

THE BOTTOMLINE: 

Hindi ipinapakita ng kumakalat na larawan sa Facebook ang mga karagdagang tagasuporta sa rally para kay Marcoleta sa Pilipinas. Sa halip, kuha ito mula sa isang pagtitipon sa Dhaka, Bangladesh noong Hunyo 15, 2026 at maling iniugnay sa mga rally ng suporta para sa senador.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...