Filipinas, muling aabante sa AFC U-17 Women’s Asian Cup matapos ang perpektong kampanya

Photo Courtesy of PFF/PYNFT

Muling namayagpag ang Philippine Under-17 Women’s National Football Team matapos ang tatlong sunod na dominanteng panalo upang ibulsa ang ikalawang sunod na tiket sa 2026 AFC U-17 Women’s Asian Cup nitong Biyernes, Oktubre 17, sa Dushanbe, Tajikistan.

Hawak ang kabuuang 11-0 goal difference, kabilang ang kanilang huling laban kontra Malaysia (4-0), nakamit ng Pinay booters ang liderato sa Group A ng qualification round upang muling umalagwa sa main tournament sa Suzhou, China.

Nauna na ring pinabagsak ng Pilipinas ang host country na Tajikistan sa iskor na 2-0, na sinundan ng 5-0 demolisyon kontra Syria.

“I think that we went into this tournament with a great mindset. I think this is a great show of what we worked on and what we needed to do,” saad ni Luna Rivera matapos patumbahin ang Malaysia para sa pagbabalik sa prestihiyosong continental tournament.

Maagang namayani ang Pilipinas nang isalpak ni Rivera ang close-range goal mula sa right wing sa unang anim na minuto ng salpukan, 1-0.

Matinik na pasahan naman ang naging taktika ng Pilipinas para ibandera ang ikalawang goal sa ika-23 minuto sa likod ng lob-shot ni Chiarra Mizo mula sa assist ni Ari Enderes, 2-0.

Hindi rin nagpatinag ang Team Captain at center-back na si Aiselyn Sia nang irehistro ang kanyang unang goal sa torneyo sa ika-59 minuto gamit ang isang header, 3-0.

Mahigpit na depensa naman ang ipinamalas ng mga Pinay nang maipuwersa ang Malaysian defender na si Nur Dania Batrisya na mailihis ang pasa ni Louraine Evangelista sa sariling net na nagpalugmok sa kanila sa apat na goal deficit sa ika-68 minuto, 4-0.

Bunsod ng makasaysayang tagumpay, itinuring ni PWNFT team manager na si Selu Lozano bilang pagsisimula ng pag-unlad ng Philippine Football sa world stage.

“The key metric for me was never winning, it was starting a movement and building a system that can truly sustain Philippine football,” pahayag ni Lozano.

“By 2031, our vision is to build a national team ready to compete in the 2031 Women’s World Cup, founded by homegrown Filipinas,” dagdag pa niya.

Samantala, maghahanda naman ang Pinay booters para sa gaganaping Asian Cup mula Abril 30 hanggang Mayo 17, 2026 kung saan apat ang makakapasok para sa inaasam na 2026 FIFA U-17 Women’s World Cup sa Morocco.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...