‘Grudge’ mula sa bullying, motibo ng school shooting sa Tacloban — TCPO

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo courtesy of Philippine News Agency

Nathalie Feliciano

Inihayag ng Tacloban City Police Office (TCPO) na umano’y “grudge [due to] school bullying” ang isa sa tinitingnang motibo sa naganap na school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes, Hunyo 22.

Naganap ang insidente bandang alas-9:20 ng umaga sa loob ng paaralan at agad na naiulat sa mga awtoridad makalipas ang dalawang minuto.

Nasa kustodiya na ng Tacloban City Police Station 1 ang dalawang menor de edad, isang Grade 9 at Grade 10 student, na itinuturong suspek sa insidente.

Ayon kay Tacloban City Police Director Col. Noelito Getigan, agad na naaresto sa loob ng paaralan ang unang suspek matapos ang insidente, habang ang nadakip naman ang ikalawa sa kalapit na subdivision sa likod ng eskwelahan makalipas ang ilang oras sa tulong ng mga residente.

Narekober na rin ng mga awtoridad ang isang .38-caliber revolver at isang 9mm Glock pistol na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Sinuspinde ang mga klase sa San Jose National High School, San Jose Central School, at Manlurip Elementary School bilang bahagi ng mga hakbang pangkaligtasan matapos ang pamamaril.

Idineklara ng Department of Education (DepEd) ang insidente bilang isang “high-alert situation” at nagpakilos ng agarang tulong para sa mga apektadong mag-aaral at kawani.

Naglaan ang ahensya ng mga serbisyong medikal at psychosocial upang matulungan ang mga biktima at iba pang naapektuhan ng insidente.

Nanawagan naman ang TCPO sa publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Iniuutos ang malalimang pag-iimbestiga rito at pinapasiguro ang proteksyon at kaligtasan sa lahat ng lugar, opisina, establisyimento, lalong-lalo na sa mga paaralan,” ayon sa Malacañang.

Hiniling din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing pagsisiyasat sa insidente at pagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari.

4 Votes: 3 Upvotes, 1 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...