Libreng gamot, buwanang pensyon na P1,500 ng senior citizens, isinulong sa senado

Explained PHNews11 months ago

Photo Courtesy of PhilStar

Ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros sa senado ang kaniyang panukalang batas upang bigyang-tulong ang mga senior citizens na pagaanin ang kanilang gastusin sa mga gamot at pangunahing bilihin.

Kaya naman, nitong Agosto 20, iginiit ni Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee on Social Justice and Rural Development ang Senate Bill (SB) No. 1204 o Lingap Gamot at Resistensya Pack Para sa Nakatatandang Pinoy Act bilang pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gamot sa botika.

“Hindi lahat sa ating mga seniors ay may pambili ng gamot. Minsan ang mga lolo at lola natin ay mas pinipiling gumastos para sa pagkain, tubig, at kuryente, kaysa sa gamot na pampalakas nila,” ani Hontiveros.

Sa pamamagitan ng batas na ito, magkakaroon ng libreng access ang mga senior citizens sa kanilang maintenance para sa hypertension, arthritis, diabetes, at iba pang mga karaniwang sakit ng mga nakatatanda, maging vitamins at supplements ay saklaw ng panukalang ito.

“Sa oras na maging batas ang bill ko na iyan, Hindi na kailangan na mag-aalala ng ating mga lolo at lola, kung saan kukunin ang pambili ng maintenance dahil magiging libre ito sa lahat ng health centers at partner na botika… Libre rin ang Vitamins, libre rin ang supplements. Yan ay mga konkretong solusyon para sa matagal nang hinaing ng ating mga senior,” dagdag ni Hontiveros.

Bahagi rin nito ang pagpapalawak sa Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient treatment o Gamot Package ng PhilHealth para maka benepisyo pa rin ang mga nakatatanda sa libreng gamot kahit wala sila sa kanilang health centers.

Sa kasalukuyan, P1,000 kada buwan ang pensyon para sa mga indigent senior citizens sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matapos itaas mula P500 noong Enero 2024 sa bisa ng RA 11916, o ang An Act Increasing the Social Pension of Senior Citizens.

Alinsunod dito, bilag dagdag-suporta, isinusulong din ni Hontiveros ang SB No. 215 o Ang Lingap Para Kay Lolo at Lola Act, na magbibigay ng P1,500 kada buwan para sa lahat ng senior citizens bilang universal social pension.

Binigyang-diin ng senadora na ang P1,500 ay hindi lamang pandagdag-ayuda, ngunit isang pormal ng pagkilala at paggalang.

“Taking care of the most vulnerable of our society, including our elderly, is a constitutional mandate. To our grandparents—you were the first to build the Filipino family, and you are the reason we have reached where we are today,” saad ni Hontiveros.

Samantala, nagpahayag ng suporta si Emily Beridico, Executive Director ng Coalition of Services for the Elderly (COSE).

“Yung P1,500 per month na isinusulong ni Senator Risa Hontiveros sa university social pension ay napakahalagang tulong… malaking tulong na yan, pandagdag sa pagkain nila para kahit paano makabili ng nutritious food then dagdag na rin sa mga gamot at gastusin sa bahay — pambayad sa kuryente, ng tubig,” pahayag ni Beridico.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 11 milyon ang senior citizens sa bansa, at karamihan ay nangangailangan ng maintenance medicines at dagdag na suporta sa pang-araw-araw na gastusin.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...