Magnolia, tinambakan Meralco solido 5th seed; Brgy. Ginebra, inungusan Tropang 5G

Photo Courtesy of tiebreakertimes

Mainit na ibinulsa ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots at Barangay Ginebra San Miguel ang mga panalo para sa paghahanda sa nalalapit na quarterfinals round matapos pabagsakin ang Meralco Bolts at TNT Tropang 5G sa PBA Commissioners Cup sa MOA Arena, Mayo 10.

Dagan mula sa mataas na kumpiyansa, sinalakay ng Magnolia ang Meralco, 93–76 paraan upang maselyuhan ang ika-limang pwesto sa papalit na quarterfinal round.

Pinangunahan ni Paul Lee ang kampo matapos rumekta ng 13 na puntos, 3 assists at 2/2 field goals sapat upang makamit ang panalo ng koponan.

Aminado si Lee na sistema ang naging kanilang pundasyon sa laban.

“We just played how we should have in our system,” ani Lee ayon sa isang panayam mula sa Inquirier.net

Unang kwarter palang ng sagupaan, ay tila nangangapa pa ang Bolts sa pag-apula ng opensa ng Magnolia dahil sa kanilang magulong defense pattern.

Agad naman sinamantala ni Lee ang kakulangan ng Meralco sa depensa matapos pangunahan ang opensa ng Magnolia at mahawakan momentum ng laro tungo sa panalo.

Samantala, nasa ikatlong puwesto ng torneyo ang Magnolia na mayroong 7–5 standing, habang ang Meralco nasa ikalawang puwesto pa rin at bitbit ang 8 wins at 4 losses.

Brgy. Ginebra giniba TNT

Muling pinainit ng Brgy. Ginebra ang arena matapos manatiling No.1 sa top rankings ng torneyo matapos sikuhin pababa ang Tropang TNT, 93–86 sapat upang sagupain ang Phoenix fuel Masters sa susunod na paghaharap.

Sinuwerte ang palad ni RJ Abarrientos matapos kumadada ng 17 na puntos, 3 assists at 7/13 field goals daan upang hiranging best player of the game. 

”We came into this game not talking about who we are going to play [in the quarterfinals]. We just wanted to come out and play up to our standards, make sure to put a good game together,” ani Head Coach ng Ginebra Tim Cone sa isang report mula ABS-CBN Sports

Dikitan at patuloy na nag hahanap ng maayos na momentum ang ang Gin Kings sa unang dalawang kwarter ng laro na hindi pinabayaan ni Abarientos matapos pumukol ng three point shot dahilan upang mapanatili ang kalamangan.

Rumekta ng mahahalagang field goals si Abarrientos sa huling tatlong minuto na nagbigay ng komportableng kalamangan sa Ginebra, 88–83.

Samantala, tinapos ng Ginebra ang elimination round na mayroong siyam na panalo at kanilang haharapin naman sa quarterfinals round ang Phoenix Fuel Masters. 

Sisikapin ng Barangay na mapanatili ang kanilang estratehiya sa laro papasok ng quarterfinals, tangan ang twice-to-beat advantage sa torneyo.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...