
Carl Kristofe Malinao
Hinikayat ng Malacañang ang mga local government units (LGUs) na gumanap ng mas malaking papel sa pagpigil sa pagbaha sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga kalsada at pagpigil sa pagtatapon ng basura sa mga ito.
Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na kailangang makipagtulungan ang mga LGU sa pambansang pamahalaan sa “all-out approach” laban sa pagbaha at basura sa pamamagitan ng patuloy na paglilinis ng mga daluyan ng tubig, ilog at drainage system, gayundin ang pagpapalakas ng solid waste management at pagpapatupad ng mga pangmatagalang hakbang.
Ayon kay Recto, nagsisilbing “first line of defense” ang mga komunidad laban sa baha at basura.
“We need to widely promote a culture of discipline. As we have said before, the garbage you improperly throw away will eventually come back to you,” dagdag pa niya.
Upang matugunan ang problema, pinag-aaralan ng administrasyong Marcos ang paglalaan ng bahagi ng National Tax Allotment (NTA) ng mga LGU para sa mga proyekto sa solid waste management.
Para sa 2027, nakatakda sa ₱1.32 trilyon ang kabuuang NTA para sa mga LGU sa buong bansa, hindi lamang para sa mga proyektong pang-solid waste management.
Isinusulong din ng pamahalaan ang Cleanest Barangay Program, na magbibigay pagkilala at magbibigay ng insentibo sa mga barangay na mahusay sa pagpapanatili ng kalinisan at pamamahala ng basura.
Ayon kay Recto, kailangang mapigilan ang pagdaloy ng basura sa mga daluyan ng tubig bago pa ito umabot sa ilog at iba pang waterways.
“When canals and streets are turned into garbage dumps, rivers become expressways for garbage when heavy rains fall. There are no toll gates for trash, so it continues its journey all the way to Manila Bay or our larger waterways,” ani ni Recto.
“Manila Bay is not a toilet for plastic. As beautiful as the sunset here may be, the amount of garbage from irresponsible littering is just as terrible,” dagdag pa niya.
Hinimok din ni Recto na baguhin ng mga Pilipino ang kabilang gawi sa pagtatapon ng basura, kasama na rito ang tamang waste segregation.
“This is not difficult to do because when Filipinos are abroad, we know how to follow the rules: when garbage is collected, how to segregate and where to dispose of waste properly. We have discipline. I hope we show even more of it when we are in our own country,” saad niya.
Bagama’t ipinag-uutos ang waste segregation at source sa loob ng mahigit dalawang dekada sa ilalim ng Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act, nananatiling hindi pantay ang pagpapatupad nito.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), hindi pare-pareho ang pagsunod ng mga LGU at may kakulangan din sa mga pasilidad para sa waste recovery.
Ipagpapatuloy din ng pamahalaan ang Oplan Kontra Baha, na kinabibilangan ng paglilinis, pagtanggal ng bara at pagsasaayos ng mga kanal at daluyan ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Metro Manila.
Nauna nang inanunsyo ni Marcos ang pagtatayo ng mga bagong rain-catchment structure, gayundin ang apat na bagong pumping station at pag-upgrade sa siyam na kasalukuyang pasilidad upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region.
Samantala, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang mga hakbang para mapabuti ang flood control at waste management sa mga lugar na madalas makaranas ng pagbaha, kabilang ang pagpapatupad ng mga programa sa waste segregation at pagpapahusay ng mga pasilidad para sa waste recovery.