MISLEADING: ‘100 gov’t assets ibebenta ngayong taon ’ — lumang ulat, muling pinalaganap 

Mig Anishi Zamora

Isang Facebook post ang kumakalat na may kalakip na graphic na may label na ABS-CBN News, na nagsasabing target umano ng administrasyong Marcos Jr. na maibenta “ngayong taon” ang mahigit 100 government assets na nagkakahalaga ng ₱2.5 bilyon. 

CLAIM:
Ipinapakita ng post na may kasalukuyang ulat ang ABS-CBN News na target ng administrasyon na maibenta ngayong taon ang mahigit 100 government assets na nagkakahalaga ng ₱2.5 bilyon. 

RATING: MISLEADING

CONCLUSION:
Walang mga bagong ulat na nagpapatunay na kasalukuyang ipinatutupad ang nasabing plano. Ang pahayag ay nag-ugat sa isang lehitimong ulat mula sa ABS-CBN News noong 2023, ngunit ito ay muling ikinakalat nang walang konteksto o petsa. Dahil dito, nagmumukha itong bagong isyu, na nagdudulot ng maling impresyon sa publiko. 

THE FACTS:

  • Iniulat ng ABS-CBN News noong Hunyo 6, 2023 na target ng administrasyon na ibenta ang mahigit 100 government assets na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2.5 bilyon. Layunin nitong pondohan ang priority projects ng pamahalaan.
  • Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, anim na ari-arian pa lamang na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱152.8 milyon ang naaprubahan para ibenta noong kalagitnaan ng 2023, habang ang iba ay nasa iba’t ibang yugto pa ng pagsusuri at disposition. 
  • Walang mga ulat na nagpapatunay na ang parehong “100 assets na ₱2.5 bilyon” ay target na ibenta ngayong 2026. 

THE BOTTOMLINE:

Ang tinutukoy na “100 government assets” ay bahagi ng target noong 2023 at hindi kumpirmadong isinasagawa sa kasalukuyang taon. Sa pagkawala ng konteksto, ang lumang ulat ay nagmumukhang bagong balita, kaya nagiging misleading ang post. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...