MISLEADING: COA audit report ni VPSD, inilabas na; may ‘clean record’

Sebastian Janapin

Isang AI-generated video ang kumakalat online na nagsasabing inilabas na ng Commission on Audit (COA) ang audit report ni Vice President Sara Duterte at ‘malinis’ ang record nito.

CLAIM

Batay sa video sa Facebook page na The Mystery Unfold, inilabas na ng COA ang pinakabagong audit report ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa mga “mga pampublikong ulat” na batayan ng page para sa post, walang nakitang anomalya sa paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).

RATING: MISLEADING

CONCLUSION

Totoong nag-isyu ng audit report ang COA para kay VP Duterte sa taong 2025, pero ‘unmodified opinion’ lang ito. Dahil unmodified opinion pa lang ang inilalabas, wala pang kakayahan ang ahensya upang ideklara na ‘clean record’ ang OVP, batay sa financial statements nito.

THE FACTS

  • Naglabas ang COA ng unmodified opinion para sa financial documents ng OVP, patunay na sumunod sa mga kinakailangang dokumento ang opisina para patunayan ang mga nagastos ng OVP sa taong 2025.
  • “In our opinion, the accompanying financial statements present fairly, in all material respects, the financial position of OVP as at December 31, 2025, and its financial performance, cash flows, changes in net assets/equity, and comparison of budget and actual amounts for the year then ended, and notes to financial statements, including a summary of significant accounting policies in accordance with International Public Sector Accounting Standards (IPSASs),” saad ng COA sa isang letter noong Mayo 15.
  • Ayon sa website ng COA, ang unmodified opinion ay inilalabas kapag napagpasyahan ng auditor na ang mga financial statements ay inihanda, alinsunod sa naaangkop na financial reporting framework.
  • Mula sa caption ng post, “public reports” o “mga pampublikong ulat” lang ang ginamit na batayan ng naturang page para patunayan ang nilalaman ng video. Walang katiyakan o ‘vague’ ang ibinigay na source ng mga nilalaman ng video at maaaring humantong sa kalituhan sa audience kung hindi tiyak ang sources na gagamitin.
  • Sa kabilang banda, naglabas ang COA ng notice of disallowance sa OVP noong Abril, dahil sa P73.287-milyon at P375-milyong confidential expenses noong 2022 at 2023, ayon sa pagkakabanggit.
  • Ang video ay maaaring binuo upang ipaniwala sa audience na hindi na kailangan talakayin ang Article I ng impeachment complaint laban kay VP Duterte—ang P612.5-milyong confidential funds sa OVP at Department of Education (DepEd)—dahil ‘malinis’ naman ang kanyang financial statements.
  • Habang isinusulat ito, ang naturang AI-generated video ay mayroong 3.8K comments, 41K shares, at 925K views, bukod pa sa mayoryang ‘like’ at ‘heart’ reactions.

THE BOTTOMLINE

Nakakuha na ang OVP ng audit report mula sa COA para sa taong 2025, o ang ‘unmodified opinion’ sa partikular, pero hindi ito nangangahulugang ‘clean record’ na ang opisina sa mga financial statements.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...