
Sa gitna ng patuloy na fact-finding investigation ng Office of the Ombudsman sa flood control scam, tinukoy ni Assistant Ombudsman Mico Clavano si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez bilang “central figure” ng umano’y anomalya nitong Hulyo 21.Sa isang press briefing, itinuro ni Clavano si Romualdez na sangkot sa umano’y paglilihis ng bilyon-bilyong pondong inilaan sa flood control projects, isang taon matapos ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anomalya noong Hulyo 2025.“Our investigation identified former Speaker Romualdez as the central figure in a scheme built in the diversion of public funds meant to build flood control projects,” ani Clavano.(Natukoy ng aming imbestigasyon si dating Speaker Romualdez bilang sentro ng sabwatan para ilihis ang pondong pampubliko na nakalaan para sa mga proyektong flood control projects.)Kaugnay nito, sinabi rin ng Ombudsman na magsasampa ito ng mga reklamo laban kay Romualdez at ilan pang personalidad para sa preliminary investigation kaugnay ng pandarambong (plunder) at paglabag sa Anti-Money Laundering Act.“After a thorough and painstaking investigation, the Office of the Ombudsman is set to file two separate complaints for preliminary investigation against former House Speaker Martin Romualdez, Mr. Elizady Co, and several others,” saad ni Clavano.(Matapos ang masusing imbestigasyon, magsasampa ang Office of the Ombudsman ng dalawang magkahiwalay na reklamo para sa preliminary investigation laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, Mr. Elizady Co, at ilan pang iba.)Nilinaw ni Clavano na ang mga reklamo para sa preliminary investigation ay hindi pa katumbas ng pagsasampa ng kaso sa korte, kundi pagtukoy lamang ng Ombudsman na may sapat na batayan upang magsagawa ng masusing imbestigasyon.“It is this Office’s determination that the evidence gathered is substantial enough to warrant a full and formal inquiry into whether or not the case should be filed in court,” ani niya.(Batay sa pasya ng Tanggapang ito, sapat ang bigat ng mga nakalap na ebidensiya upang bigyang-katwiran ang isang ganap at pormal na imbestigasyon kung nararapat nang maghain ng kaso sa korte.)Bibigyan din aniya ng pagkakataon sina Romualdez na magsumite ng kani-kanilang counter-affidavit bago pagpasiyahan kung may probable cause upang ihain ang kaso sa Sandiganbayan.Ebidensya kontra kay RomualdezAyon kay Clavano, nagsimula ang imbestigasyon sa mga sinumpaang salaysay ng walong dating security personnel ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, na umano’y nagsiwalat ng paghahatid ng pera sa ilang opisyal ng pamahalaan, kabilang si Romualdez.Si Co ay nagsilbi ring chair ng House Committee on Appropriations mula Hulyo 2022, kung saan siya ang nangasiwa sa pagbusisi ng pambansang badyet, hanggang sa magbitiw siya sa puwesto noong Enero 2025.Ani Clavano, hindi lamang sa testimonya ng mga dating security personnel nakabatay ang kaso, kundi maging sa iba pang dokumentaryo at pinansyal na ebidensiya.“That testimony does not stand alone. It is corroborated by an independent evidentiary trail from money exchange companies, to bank transfers, to shell companies, all using personalities tied to the former Speaker Martin Romualdez,” paliwanag niya.(Hindi lamang sa testimonya nakabatay ang kasong ito. Sinusuportahan ito ng mga ebidensiya mula sa money exchange companies, bank transfers, at shell companies na iniuugnay sa mga personalidad na may kaugnayan kay dating House Speaker Martin Romualdez.)“So much so na kahit bumaliktad na ang ating ex-bodyguards or ex-security personnel, tatayo pa rin ‘yung information na ibinigay nila sa atin dahil sa mga iba’t ibang ebidensya, records, at testimonya ng ibang tao,” dagdag ni Clavano.‘Sasagot nang buong-buo’ Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Romualdez na si Atty. Elaine Atienza na ang anunsiyo ng Ombudsman ay tumutukoy lamang sa pagsisimula ng preliminary investigation at hindi pa nangangahulugang napatunayang may pananagutan ang dating House Speaker.Aniya, hindi pa natatanggap ni Romualdez ang kopya ng reklamo at sasagutin nila ito sa sandaling maihatid sa kanila ang mga dokumento.“Rep. Romualdez has not yet been formally served with a copy of the complaint. Once we receive it, sasagot kami nang buong-buo,” tugon ni Atienza.(Hindi pa pormal na naihahatid kay Rep. Romualdez ang kopya ng reklamo. Kapag natanggap na namin ito, sasagutin namin ito nang buong-buo.)”We respect all legal processes… We remain confident that once the facts are examined objectively and the evidence is tested under the law, Rep. Romualdez will be able to clear his name,” ani Atienza.(Iginagalang namin ang lahat ng legal na proseso… May kumpiyansa kami na kapag sinuri nang obhetibo ang mga katotohanan at sinuri ang mga ebidensiya alinsunod sa batas, malilinis ni Rep. Romualdez ang kanyang pangalan.)Nauna na ring sinabi ng abogado ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo na handang humarap ang kanyang kliyente sa mga legal na proseso at iginiit na wala umanong ebidensiya laban sa kaniya.Tangkang paglabas ng bansaBukod dito, sinabi ni Clavano sa briefing na nakatanggap ang Ombudsman ng “credible intelligence reports” na patuloy umanong sinusubukan ni Romualdez na umalis ng bansa sa kabila ng precautionary hold departure order na inisyu sa kaniya ng Sandiganbayan.Mariin itong itinanggi ng kampo ni Romualdez at iginiit na hindi kailanman nagtangkang umiwas ang mambabatas sa legal na proseso.”We deny in the strongest possible way any insinuation that Rep. Romualdez has attempted to evade the legal pocess. Uulitin po namin: kailanman ay hindi nagtago si Rep. Romualdez,” giit ng kaniyang tagapagsalita na si Atienza.(Mariin naming itinatanggi ang anumang paratang na nagtangka si Rep. Romualdez na tumakas sa legal na proseso. Uulitin namin: kailanman ay hindi nagtago si Rep. Romualdez.)Ayon kay Atienza, nananatili si Romualdez sa bansa at haharap sa lahat ng kaukulang proseso sa oras na maihatid sa kanya ang summons ng Ombudsman.