
John Victor Barba
Para sa mga kabataang gustong sumablay, doon sila sumablay. Ngunit habang may ibang patuloy na pumuputol sa mga lapis kasunod ng mga balikong paniniwala, ay may mga kabataang nagbibigay-sinag—mga kabataang may husay at dangal, at may pagkilala sa kahalagahan ng bawat tasang lapis na kanilang dala mula tahanan hanggang sa silid ng pagsusulit.
nag-aabot ng mga lapis, yung iba wala pang tasa, may ilang mga nakapack at halatang bago pa. Lagi lang nilang bukambibig na sana makapasa ang anak nila at sana makatulong sa simpleng lapis lang na naibigay nila,” saad ni Roy, ‘di niya tunay na pangalan, isa sa mga volunteers ng Pencil Project.
Nakakatuwa rin umanong makita ang mga estudyanteng mula sa iba’t ibang demograpiko na may iisang adhika, ang maging iskolar ng bayan. Mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan na handang magbigay kaysa sirain ang isang lapis na simbolo ng kanilang mga kwento na unti-unti pa lamang nabubuksan.
Alam naman nating mahirap makapasok sa UP at alam din nating maraming gusto makapasok sa naturang paaralan. Siguro’y kailangan lang din tandaan ng bawat kabataang nagnananais na maging kabahagi ng unibersidad na higit pa sa medalya, prestige, at pagkilala ang mundong ipapamalas sa kanila ng UP nating mahal.
Dahil kasabay ng pangangarap na makapasok sa unibersidad ay isang malaking hamon—ang pagtugon sa tawag sa lipunan, ang husay, dangal, at serbisyo, mula sa bayan at para sa bayan. Pero, nasaan nga ba ang tunay na kahusayan at karangalan kasabay ng pagputol ng mga lapis para sa kakarampot na suwerteng kanilang pinaniniwalaan?
Kung tutuusin, ang UP ay tila nasa estado ng isang new normal. Bagong demographics, malalang congestion sa campus, bagong mall, at bagong pamahiin. Isang malaking laban ang kahaharapin ng mga kabataan kasabay ng pagnanais na maiayos ang sistemang binulok ng kasalukuyan.
Nakapag-UPCAT ka, eh ano naman. Habang patuloy na sira ang sistema, lahat ay patuloy na maikukulong sa isang siklong walang katapusan ngunit ikaw, bilang parte ng kabataan, sayo magsisimula ang isang panibagong kabanata–ang panibagong mukha ng mga susunod na iskolar ng bayan na may pagpapahalaga sa lipunang kanilang kinabibilangan.
Kaya sa mga kumuha ng pagsusulit mula sa unibersidad, congrats sa inyo. Dapat niyong tandaan na hindi sapat ang “good luck,” dahil ang kailangan ay good policy. Hindi sapat ang “try again next year,” ang kailangan ay try fairness now. Hindi sapat ang “ganyan talaga,” ang kailangan ay ayusin ang sistema. Hindi sapat ang pamahiin, ang kailangan ay ang matalas na isip para sa lohika at sikhay sa pagiging mapanuri.
Bilang Iskolar ng Bayan, laging tandaan na sa bawat lapis na kumakaskas sa papel, ay may tinig na dapat marinig. Kaagapay ng estudyanteng nagsunog ng kilay, ay may karapatang humingi ng katarungan.
Hindi lang ito laban para makapasok sa UP. Ito’y laban para sa isang edukasyong tunay na para sa bayan at sa kabataan. At magsisimula ang tunay na laban sa paglutas, paglutang, at pagbali kontra sa lumot ng balikong sistema’t paniniwalang pinagningas ng kasalukuyan.