Panukala vs kontrata para sa mga kaanak ng government officials, lusot na sa Senado

Photo Courtesy of Inquirer

Aprubado na sa ikatlo at ikahuling pagbasa ng Senado nitong Sept. 2, ang panukalang nagbabawal sa pagkuha ng mga kaaanak ng mga opisyal ng gobyerno sa government contracts.

Sa Senate Bill No. 1962 o ang “Government Contracting and Procurement Integrity Act,” hindi pinahihintulutan ang kaanak ng mga opisyal mula fourth civil degree of consanguinity and affinity sa pagpasok sa mga government procurements at contracts.

Saklaw din ng panukala ang subcontracting, consortium, joint venture, at iba pang business arrangements na may kaugnay sa kontrata ng pamahalaan.

“Relatives of any covered public official or personnel within the fourth civil degree of consanguinity or affinity shall be barred from participating in or entering into any government contract or from engaging in subcontracting, consortium, joint venture, or other similar business arrangements for the performance of a government contract,” saad sa panukala.

Ang SBN 1962, iniakda ni Sen. Chiz Escudero, na nakatanggap ng 15 na pabor na boto ay naglalayong maiwasan ang posibleng korapsyon at conflict of interest sa gobyerno.

Saklaw rito ang mga opisyal ng gobyerno kabilang ang mga elected local and national officials, Cabinet secretaries, undersecretaries, assistant secretaries, mga opisyal at miyembro ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, at ng mga pamantasan at kolehiyong pag-aari ng estado, regular man o ex officio, gayundin ang kanilang mga kahalili, at iba pa.

Ang sinumang lalabag na mga opisyal at kanilang mga kaaanak ay maaaring makulong ng 1 hanggang 3 taon, magmulta ng hindi bababa sa ₱100,000, at patawan ng permanenteng diskwalipika.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...