Patitibayin natin ang upper-middle-income status ng bansa — DEPDev

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of ABS-CBN

Gianne Kahtlein Recilla

Binigyang-diin ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan na patuloy na magpapatupad ang pamahalaan ng mga reporma upang mapalago ang ekonomiya at mapanatili ang katayuan ng Pilipinas bilang isang upper-middle-income country (UMIC).

Sa isang panayam nitong Hulyo 6, ipinaliwanag ni Balisacan na mahalaga ang pagsusulong ng mga reporma sa kalidad ng pamamahala ng gobyerno para matupad ang nasabing layunin.

“As I mentioned earlier, one of those things that we need to do to sustain the growth is to improve the quality of our governance,” saad niya.

Iginiit din ni Balisacan na malabong bumalik sa lower-middle-income na antas ang Pilipinas sa kabila ng mga pandaigdigan at lokal na mga hamon, matapos ang 40 taong pagsisikap upang makamit ang naturang katayuan.

“Those are also pressure for us to keep driving the push for reform so that we are able to sustain the momentum, so the possibility of us going back to lower-middle-income class is, I think, quite remote, unless you know, you have certainly a very bad development in our political economy but we don’t see that,” pahayag niya.

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ng World Bank na kabilang na ang Pilipinas sa mga UMIC matapos makapagtala ng gross national income (GNI) per capita na $4,850.

Ayon sa ahensiya, nalampasan ng bansa ang itinakdang hangganan ng World Bank para sa mga bansang kabilang sa upper-middle-income na kategorya.

Mula 2021 hanggang 2025, umabot sa 5.8% ang karaniwang taunang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, mas mabilis kumpara sa karaniwang paglago ng mga upper-middle-income na bansa at mga karatig-bansa nito sa Southeast Asia.

Sa kabila ng pag-unlad na ito, haharap naman ang bansa sa ilang hamon, kabilang ang unti-unting pagkawala ng mga pribilehiyo sa concessional financing, development assistance, at aid programs na karaniwang ibinibigay sa mas mahihirap na ekonomiya.

“Even as we lost the concessional loans, the greater benefits are opened up from the improvements in access to financing by both government and the private sector,” ani Balisacan.

“In the meantime, we have the time to develop our capacity to access other sources of financing, particularly those that are evolving now, like climate-related financing, for example, and ensure that not just the government, the private sector can also access those financing,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Undersecretary Joseph Capuno na pagtatrabahuhan ng pamahalaan ang tatlong taong palugit upang tumuon sa mga nagpapatuloy na proyekto at limitahan muna ang pag-apruba ng mga bagong infrastructure projects.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...