‎Romualdez, arestado sa ₱7.4-B kasong pandarambong

Photo Courtesy of The Daily Tribune/Sandiganbayan/Bombo Radyo

‎Inaresto si dating House Speaker at kasalukuyang Leyte District Rep. Ferdinand Martin Romualdez matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay ng ₱7.4-bilyong plunder case na nag-ugat sa umano’y anomalya sa flood-control at iba pang proyekto ng pamahalaan.

‎Ayon sa Office of the Ombudsman, sinampahan si Romualdez, kasama si Zaldy Co at iba pang personalidad, dahil sa umano’y “concerted and coordinated acts” upang  makakuha ng nakaw na yaman (ill-gotten wealth) mula taong 2022 hanggang 2025.

‎Binigyan-diin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang bigat ng halagang sangkot sa nasabing kaso.

‎‎“The amount involved here is 7.4 billion pesos,” giit ni Remulla.

‎Dagdag ng Ombudsman, bahagi lamang ito ng mas malawak na imbestigasyon sa  katiwalian sa mga flood-control projects na kinasangkutan ng opisyal ng pamahalaan.

‎Samantala, ayon kay Atty. Ade Fajardo, legal counsel ni Romualdez, haharapin ng kanyang kliyente ang mga alegasyon at igagalang ang proseso ng korte.

‎“We respect the courts and the legal process. Representative Ferdinand Martin G. Romualdez will face the allegations against him in accordance with law.” ani Fajardo.

‎Binigyang-diin din ni Fajardo na dapat nakabatay sa matitibay na ebidensiya sa korte ang anumang pananagutan ni Romualdez.

‎“But ultimately, criminal liability must be determined by the evidence presented in court, under the rules and safeguards of our justice system.” saad ni Fajardo.

‎Matapos ilabas ang warrant ang Sandiganbayan, isinilbi ito kay Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center, kung saan siya kasalukuyang naka-confine.

‎Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na itinuturing nang ganap na  “person deprived of liberty” si Romualdez matapos basahan ng kaniyang mga karapatan. 

‎Iginiit naman ni Fajardo na walang hinihinging espesyal na pagtrato ang kaniyang kliyente kundi ang isang patas na proseso.

‎Kasalukuyang nananatili sa Cardinal Santos Medical Center ang mambabatas matapos makaranas ng cardiovascular event, unstable blood pressure, at anxiety attack. 

‎Bagama’t naka-confine si Romualdez, kasalukuyan pa ring naka-deploy ang mga pwersa ng pulisya sa paligid ng ospital upang matiyak ang seguridad nito.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...