Sa iyo lang ang bobo side ko

ni Ivan

Sa mundong kailangan kong maging maayos, mabilis, at laging may sagot,

natuto akong itago ang sablay,

itago ang pagkalito,

itago ang pagka-clumsy ko.

Pero sa’yo—

sa’yo lang lumalabas ang bobo side ko.

Kapag magkasama tayo, ikaw ang utak.

Ikaw ang mabilis mag-isip kapag may kailangang desisyunan.

Ikaw ang tagaplano kung anong uunahin, anong ipagpapabukas,

paano aayusin ang mga gawain para hindi kami malito.

Habang ako…

nakatingin lang sa’yo minsan,

umaasang nabasa mo na ang iniisip ko.

Sa simpleng bilang,

kapag may kailangang hatiin o kwentahin,

ikaw na agad ang tinatawag ng utak ko.

Hindi dahil hindi ko kaya—

kundi dahil mas kampante akong ikaw ang nag-iisip kapag magkasama tayo.

At oo, ako rin ‘yung

nadadapa sa patag,

nababangga ang sulok ng mesa,

at muntik nang matapunan ang sarili habang maingat kuno.

Pero sa halip na mahiya,

natatawa ako—

dahil alam kong sa’yo lang ako puwedeng maging ganito.

Ipinapangako ko

na ang bobo side ko ay hindi katamaran,

hindi pag-asa lang sa’yo—

kundi pagtitiwala.

Pagtitiwalang kapag napagod ang isip ko,

nandiyan ka.

At kapag napagod ang isip mo,

ako naman ang magiging pahinga.

Ipinapangako ko

na habang ikaw ang utak natin kapag magkasama,

ako ang magiging puso na magpapaalala kung bakit natin ginagawa ang lahat.

Na kahit clumsy ako minsan,

seryoso ako sa pagmamahal sa’yo.

Sa iyo lang ang bobo side ko—

ang lutang, ang sablay, ang hindi perfect.

At sa pagbibigay ko nito sa’yo,

ibinibigay ko rin ang pinakatotoo kong sarili.

Dahil kung may taong karapat-dapat makita

ang pinaka-unguarded na ako—

ikaw iyon.

21 Votes: 20 Upvotes, 1 Downvotes (19 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...