Tropang 5G niresbakan Beermen para itabla Finals sa 2–2

Photo Courtesy of Philstar

Mula sa isang masakit na pagkadulas, bumawi nang buong lakas ang TNT Tropang 5G.

Matapos ang pagkatalo sa Game 3, mabilis na bumangon ang TNT Tropang 5G (TNT) at dinomina ang defending champion na San Miguel Beermen (SMB), 110–87, upang itabla ang PBA 50 Philippine Cup Finals series sa tig-dalawang panalo, sa MOA Arena, Enero 28.

Pinangunahan ni three-time champion PBA Calvin Oftana ang opensa ng TNT matapos sumabog para sa conference-high na 29 puntos, kabilang ang limang three-pointers, para itulak ang Tropang 5G sa 23-puntos na bentahe.

Nagbigay rin ng malaking tulong si Jordan Heading na may 17 puntos, kabilang ang isang four-point shot na nagpalaki sa kalamangan ng TNT, habang nag-ambag si Rey Nambatac ng 13 puntos, limang rebounds, at tatlong assists.

Ang panalo ay nagsilbing matinding sagot ng TNT sa kanilang 89–95 pagkatalo noong nakaraang laro kung saan biniktima sila ng pitong sunod na puntos ni CJ Perez sa closing seconds.

Hindi pinatagal ng Tropang 5G ang kanilang pagsalakay matapos ang opening tip, agad na kumaripas ng 13 sunod na puntos upang maagaw ang kontrol ng laro.

Pinalobo pa ng TNT ang kalamangan sa ikalawang yugto, umabot sa 28 puntos, sa pangunguna nina Oftana at Heading na pumuno sa pagkawala ni RR Pogoy dahil sa hamstring injury.

Lalong lumaki ang bentahe ng Tropang 5G sa ikatlong quarter nang umabot sa 35 puntos, 82–47, kasunod ng tres ni Simon Enciso na tuluyang nagpabagsak sa Beermen.

Hindi naman naging sapat ang 18 puntos at 16 rebounds ng 6th time na MVP  si June Mar Fajardo, na ginawaran pa naman ng kanyang ika-13 Best Player of the Conference award sa gabing iyon.

Magbabalik sa aksiyon ang dalawang koponan sa Game 5 sa Enero 30 sa Ynares Center sa Antipolo.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...