US-Iran peace deal, kasado na

Explained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of Islamic Republic News Agency (IRNA)/Daily Guardian/Investing News Network

Zyra Marie Patosa

Sa layuning tuldukan ang tensyon sa Middle East, nagkasundo sina US President Donald Trump at Iran President Masoud Pezeshkian sa paglagda ng isang peace framework nitong Miyerkules, ika-17 ng Hunyo. 

Kasabay nito ang pagpayag ng Tehran na pababain ang antas ng kanilang enriched uranium kapalit ng malawakang economic relief.

​Nauna nang kinumpirma ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif ang naturang kasunduan, kung saan orihinal na nakatakdang lumagda ang chief negotiator at Speaker of the Parliament ng Iran na si Mohammad Bagher Ghalibaf, kasama si US Vice President JD Vance.

Bagama’t orihinal na nakatakda ang pormal na paglagda sa Switzerland sa araw ng Biyernes, naging maaga ang pagpapatibay nito matapos lagdaan ni Trump ang memorandum of understanding sa isang hapunan kasama si French President Emmanuel Macron sa Palace of Versailles, matapos ang G7 summit.

​Batay sa kasunduan, sa oras na pormal na maipatupad ang mga probisyon hinggil sa nuclear program ng Islamic Republic, maglalabas ang US ng $300 bilyong halaga ng reconstruction fund na susuportahan ng iba pang mga bansa sa rehiyon.

‘Great Victory;’ Israeli strikes

Inilarawan ni Naim Qassem, pinuno ng Hezbollah, ang deal bilang isang “great victory” para sa Iran. Pinasalamatan niya ang Tehran sa paggiit na isama ang Lebanon sa kasunduan ng truce, na nagbigay ng pansamantalang paghinto sa putukan sa naturang bansa.

Sa kabila nito, patuloy pa rin umano ang mga Israeli strike sa timog Lebanon na ikinamatay ng hindi bababa sa lima katao.

​Ayon sa militar ng Israel, limang sundalo ang nasugatan, isa sa kanila ay malubha dahil sa isang explosive drone impact sa timog Lebanon nito lamang Miyerkules.

Pansamantalang Status 

Ituturing na isang temporary arrangement lamang ang naturang kasunduan habang naghihintay ng mas detalyadong negosasyon para sa pangmatagalang kontrol sa nuclear power ambitions ng Iran.

Magsisimula na ngayon ang dalawang buwang negosasyon, kung saan ang matagal nang inaabangang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz ang magsisilbing unang hakbang.

Binalaan naman ni Trump ang Iran na handa siyang “bombahin” ang bansa sakaling labagin ang kasunduan.

​Umani rin ito ng batikos mula kay US Senator Bill Cassidy ng Republican Party at tinawag itong pinakamalalang “foreign policy blunder in decades” dahil sa kawalan ng sapat na pagpigil sa nuclear ambitions ng Iran.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...