Wade Luche nanguna kontra Jaguar Cubs, Green Lancers tinalo ang Panthers

Photo Courtesy of Ang Silakbo

Mistulang pagaspas ang sagupaan ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue (UCLM) Junior Webmasters matapos dominahin ang University of San Jose-Recoletos (USJ-R) Jaguar Cubs, 63-53, sa Cesafi Season 25 Week 2 basketball tournament nitong Setyembre 18 sa Cebu Coliseum. 

Samantala, nanaig din ang University of the Visayas (UV) Green Lancers, 70-64, kontra University of Southern Philippines Foundation (USPF) Panthers sa parehong petsa at venue.

Nanaig ang bagsik ng shooting guard ng Webmasters na si Wade Adam Luche, nagtala ng 12 puntos, 12 rebounds at 3 assists upang tulungan ang koponan masungkit ang panalo.

Maagang sinimulan ng Jaguars ang laro sa isang tres, 0-3, ngunit agad bumawi ang Webmasters sa apat na puntos sa unang kuwarter na nagbago sa takbo ng sagupaan.

Sa natitirang walong minuto, sunod-sunod na umiskor si Luche upang pabilisin ang laro at ipresyur ang kalaban. 

Hindi na nawala ang momentum ng Webmasters, lalo na nang dumakdak si Dan Mitchell Ferraren sa ikatlong kuwarter, habang umalalay si Luche para tuluyang lamangan ang Jaguars.

Mabisang taktika ang ipinamalas ng UCLM at nanatiling matatag ang depensa hanggang huling yugto. Sa dulo, tinapos ni Luche ang laro sa isang puntos na nagsemento ng panalo.

Susunod na haharapin ng Webmasters ang Cebu Institute of Technology – University sa Setyembre 27, alas-dos ng hapon, sa Cebu Coliseum.

Sa ikalawang laro, kumamada ng 13 puntos, 6 rebounds, 2 assists at 1 steal si Ivan Clark Alsola upang itulak ang UV sa tagumpay. 

Pinakita ng Green Lancers ang kanilang liksi sa depensa mula unang kuwarter, dahilan upang mahirapan ang Panthers. Sunod-sunod ang opensa ng UV na nagpalobo ng lamang, 44-36, sa ikalawang yugto.

Nanatiling buhay ang diwa ng Lancers hanggang sa ikatlong kuwarter. Bagama’t pilit humahabol ang Panthers, hindi na nila nabasag ang momentum ng UV. 

Sa huling minuto, isang tres ni Alsola ang nagselyo sa panalo.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...