MISLEADING: Pahayag ni Senador Erwin Tulfo tungkol sa flood control projects, iniugnay sa panawagang pagtigil sa imbestigasyon

Jhovance Alecxis Dajao

Umiikot ang isang post online na nagsasabing nais ni Senador Erwin Tulfo na ihinto ang imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control projects. 

CLAIM: 

Isang Facebook video na nai-post noong Hulyo 11, 2026 ang nagpakalat ng pahayag ni Senador Erwin Tulfo na “Leave flood control alone. Leave it to DPWH,” at pinalabas na nanawagan siyang itigil ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control projects sa bansa. 

RATING: MISLEADING

CONCLUSION:

Walang opisyal na ulat o batayan na nagpapatunay na nanawagan si Senador Erwin Tulfo na itigil ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control projects. Ang kumakalat na video ay nagtanggal ng mahalagang konteksto sa kanyang pahayag at maling ipinakahulugan ang kanyang posisyon hinggil sa isyu.

  1. THE FACTS
  • Kasabay ng pagbaha dulot ng Bagyong Bawi (Inday) noong Hulyo 2026, kumalat sa social media ang video ni Senador Erwin Tulfo na iniuugnay sa panawagang ihinto ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects. 
  • Natukoy ng AFP Check sa pamamagitan ng reverse image search na ang video ay mula sa mas mahabang panayam na inilathala ng NewsWatch Plus PH noong Hulyo 23, 2025. Sa naturang panayam, tumugon si Tulfo sa mga alegasyon na may mga mambabatas na nakikialam sa paglalaan at pagpapatupad ng mga flood control projects.
  • Sa kabuuan ng kanyang pahayag, hinihimok ni Tulfo ang mga mambabatas na huwag makialam sa mga flood control projects at ipaubaya sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Kasabay nito, suportado niya ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa alegasyon ng mga katiwalian.
  • Kinumpirma rin na hindi nagbago ang kanyang posisyon at magpatuloy ang imbestigasyon sa Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersyal na flood control scandal.

THE BOTTOMLINE:

Ang kumakalat na Facebook post ay mapanlinlang. Bagama’t totoo ang video at pahayag ni Senador Erwin Tulfo, inalis nito ang mahalagang konteksto at nagbigay ng maling impresyon na nais niyang itigil ang imbestigasyon sa flood control projects. Sa katunayan, hinihikayat niya ang hindi pakikialam ng mga mambabatas sa mga proyekto habang suportado ang pagpapatuloy sa imbestigasyon.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...