
Jhovance Alecxis Dajao
Umiikot ang isang post online na nagsasabing nais ni Senador Erwin Tulfo na ihinto ang imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control projects.
CLAIM:
Isang Facebook video na nai-post noong Hulyo 11, 2026 ang nagpakalat ng pahayag ni Senador Erwin Tulfo na “Leave flood control alone. Leave it to DPWH,” at pinalabas na nanawagan siyang itigil ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
RATING: MISLEADING
CONCLUSION:
Walang opisyal na ulat o batayan na nagpapatunay na nanawagan si Senador Erwin Tulfo na itigil ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control projects. Ang kumakalat na video ay nagtanggal ng mahalagang konteksto sa kanyang pahayag at maling ipinakahulugan ang kanyang posisyon hinggil sa isyu.
THE BOTTOMLINE:
Ang kumakalat na Facebook post ay mapanlinlang. Bagama’t totoo ang video at pahayag ni Senador Erwin Tulfo, inalis nito ang mahalagang konteksto at nagbigay ng maling impresyon na nais niyang itigil ang imbestigasyon sa flood control projects. Sa katunayan, hinihikayat niya ang hindi pakikialam ng mga mambabatas sa mga proyekto habang suportado ang pagpapatuloy sa imbestigasyon.