Mahigit 6K pamilya, apektado ng Bagyong ‘Luis’; operasyon sa 9 pantalan, sinuspinde

Gianne Kahtlein Recilla

Apektado ang mahigit-kumulang 6,316 pamilya ng Bagyong “Luis” sa ilang lugar sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong ika-3 ng Agosto.  

Batay sa ulat ng NDRRMC na inilabas alas-6 ng umaga, nananatili ang pagbaha sa pitong lugar sa Zamboanga Peninsula at BARMM. 

Stranded din ang 477 pasahero, 47 rolling cargoes, at limang sasakyang pandagat dahil sa pagsuspinde ng paglalayag bunsod ng nasabing bagyo. 

Samantala, naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P280,500 na pondo para sa mga pamilyang naapektuhan sa Bicol Region. 

Inihayag din ng NDRRMC na maglalabas pa lamang ito ng karagdagang detalye hinggil sa bilang ng mga residenteng lumikas at sa lawak ng pinsalang dulot ng bagyo.  

Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang magdudulot pa ang Bagyong “Luis” ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa mga ilog at pagguho ng lupa sa mga lugar na lubhang madaling maapektuhan pagsapit ng ika-4 ng Agosto. 

Kabilang sa mga lugar na maaaring maapektuhan ang Ilocos Sur, Ifugao, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Aurora, Bulacan, Isabela, Pampanga, Metro Manila, Cavite, at Batangas. 

Patuloy namang nakaantabay ang mga kinauukulang ahensya sa pagmomonitor sa galaw ng bagyo at sa mga posibleng epekto nito.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...