
Kim Vincent Verano
Bumanat ang Blackwater Bossing at Phoenix Super LPG Fuel Masters ng magkahiwalay na tagumpay matapos manaig sa kani-kanilang dikdikang tagpo sa pagbubukas ng kampanya sa PBA Season 50 Governors’ Cup, sa Ynares Center sa Montalban, Rizal, Hulyo 11.
Gigil na makabawi mula sa 56-point na pagkalugmok sa huling tapatan, pinulbos ng Blackwater ang matingkad na pag arangkada ng Rain or Shine Elasto Painters matapos ipinta ang dominanteng 131–108 kartada upang buksan ang torneyo.
Umentrata ang baguhang import ng Bossing na si Kentrell Barkley ng triple-double performance bitbit ang 29 points, 15 rebounds, at 10 assists sapat upang mamayani sa unang pagyapak sa PBA court.
Maagang pinasiklab ni Barkley ang opensa matapos umigpaw ng 18 sa kabuuang 35 puntos ng tropahan sa unang yugto, kasabay ang isang malinis na lay up upang mahawakan ang 15-point na kalamangan, 23–8.
Sinubukan kaagad umalagwa ng desperadong Elasto Painters sa ikalawang quarter matapos matakid ang kalamangan sa pito, 38–31, kasabay ang 13 puntos na pag-ungos sa huling minuto, 69–56, ngunit patuloy pang humagibis ang Blackwater sa engkwentro at isinirado sa 72–56 ang first half.
Sa second half, pinagunahan ni RK Ilagan ang isang mabagsik na 22–4 run na nagpalobo ng kalamangan ng Blackwater sa 91–60.
Patuloy pa ring namayagpag si Barkley at tuluyang pinaluwag sa 34, mula sa 16 na simula ng halftime, ang agwat ng sagupaan at pinaputla sa 23 llamado ang sunggabang Bossing-Painters upang masiguro ang unang panalo.
Phoenix nagliyab sa huling quarter, umeskapo kontra Magnolia
Samantala, naglagablab ang Phoenix Fuel Masters sa ika-huling quarter buhat sa malamig na second frame start upang matagumpay na paasbukin ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa 98–86 na girian at makopo ang unang panalo sa torneyo.
Nagpasiklab ang debuting import na si BJ Johnson sa kanyang double-double na 34 puntos at 10 rebounds, kabilang ang 15 puntos sa second quarter na nagsilbing sandigan ng Fuel Masters.
Nabilaukan ang mahigit 16 puntos na distansya ng Magnolia sa first half matapos humakot ang Phoenix ng 30 baskets sa third quarter kalakip ang 11 ni Johnson dahilan ng unang beses na mahawakan ang kalamangan.
Nagsimulang umarangkada ang Phoenix sa pagpasok ng ika-apat na yugto ng may walong kalamangan, 79–71, at rumatsada ng sa 7–1 run upang mailayo sa 86–72 ang iskor, na lalong nagpahirap sa naghahabol na Magnolia.
Tinangkang nakawin ng Hotshots ang laro matapos tapyasin ang kalamangan sa siyam, 92–83 ngunit bumirada si Tyler Tio ng clutch tres sa nalalabing 2:22 minuto upang patuloy na mapawalang alab ang Hotshots.
Sinelyuhan ni Jason Perkins ang laro sa 98–86 bentahe matapos ang isang makitid na floater at matagumpay na naihatid ang Fuel Masters sa unang panalo ng kanilang kampanya.
With reports from: