HINDI NA NAHIHIYA SI MAKAHIYA: UPLB researchers sinuri ang potensyal nito laban sa Dysmenorrhea
Mig Anishi Zamora Sa isang dampi, agad itong tumitiklop. Kilala bilang makahiya (Mimosa pudica), isa itong halamang karaniwang makikita sa gilid ng kalsada—madalas pinaglalaruan, minsan tinatapakan, at kadalasang hindi pinapansin.

















