Cavalries, humagibis para sa back-to-back MPL title; winalis Aurora

Photo Courtesy of Spin PH/ABS-CBN/CoverStory

Muling napasakamay ng Team Liquid Philippines (TLPH) Cavalries ang titulo ng Mobile Legends Professional League Philippines (MPL-PH) matapos pabagsakin ang Aurora Gaming PH, 4-0, nitong Oktubre 26, Linggo ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Bumangon ang bagong 2025 Mid Season Cup (MSC) champion mula sa kanilang pagkabigo sa Team Aurora sa upper bracket finals para muling gapangin ang lower bracket at patumbahin ang dark horse na TNC Pro Team  bago ang malinis na pag-martsa sa torneyo.

Itinanghal naman bilang Finals MVP si Jaypee “Jaypee” Gonzales Dela Cruz matapos magtala ng 0/1/11 kabuuang Kill Death Assist ratio (KDA) at 85% Kill Participation sa huling serye.

“Nagfofocus lang po, ginagawa ko lang po ‘yong best ko para sa teammates ko para makapag-space din” saad ng 26 anyos na beterano na wala pang bahid ang grand finals appearances (6-0).

Kabilang dito ang MDL PH Season 1, MPL PH Season 4, at 5 sa Sunsparks, Season 13 sa Liquid Echo, at Season 15, 16 sa TLPH ayon sa datos ng liquipedia.net

Samantala, ibinulsa naman ni Karl Gabriel “Karltzy” Nepomuceno ang kanyang ikalimang MPL title kung saan kabilang ang mga korona sa Season 6 sa BREN Esports, Season 11 at 13 sa ECHO Philippines, at Season 15, 16 naman sa TLPH.

Humirit pa ng comeback attempt ang Team Aurora matapos siguruhin ni Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto ang dalawang Elemental Lord subalit agad na napurnada matapos maisahan ng diversion backdoor play ng Luo Yi  ni Alston “Sanji” Pabico para tuluyang selyuhan ang kampeonato, 8-6.

Sa game 3, agresibong istilo ang ipinatikim ng mga kabalyero nang malasap ang hagupit ng comfort picks nina “Karltzy” na Hayabusa at Harith ni Kiel “Oheb” Soriano na nagpamalas ng dominansa sa objectives bitbit ang 4/0/5 at 5/1/4 ayon sa pagkakasunod, 13-2.

Nangibabaw rin ang mga kabalyero sa game two matapos namayani ni “Oheb” gamit ang kanyang signature Granger pick 12/0/5 kabilang ang 1/1/10 at 3/2/12 KDA ng San-San duo na sina Sanford Marin “Sanford” Vinuya at “Sanji” para sa dalhin sa dalawang seryeng kalamangan ang TLPH, 19-8.

Nagkatapatan ng taktika ang parehong coach ng dalawang koponan na sina Aniel “Master the Basic” Jiandani ng Aurora at  Rodel “Ar Sy” Cruz ng TLPH nang magka-agawan ng comfort picks.

Dikitang panimula ang tumambad sa unang turtle fight matapos magpalitan ng kills nina Kenneth “Yue” Tadeo gamit ang zone-out ng kanyang Pharsa na kumandado ng unang dalawang kills sa Aurora.

Subalit naisuko ng jungler ng Aurora na si “Demonkite” ang tatlong turtle dahilan para kumapit sa apat na libong gold deficit sa pangunguna ng Baxia ni “Karltzy” na may 2/1/16 at 12/0/6 KDA na Harith ni “Oheb” ang mga kabalyero para tuluyang magmartsa patungo sa unang pagkapanalo na umabot ng 22 minuto.

Naging mailap muli para kay “Yue” ng Aurora ang naturang tropeyo matapos niyang muling makuha ang ikalawang puwesto, na siyang ikaapat na beses niyang naging 2nd place finisher.

Sa kabilang banda, aabante ang dalawang koponan sa M7 World Championships sa Jakarta, Indonesia na gaganapin mula Enero 3 hanggang 25, 2026.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...