
Tangan ang mataas na talon, umibabaw sa ere ang Pinoy atleta na si EJ Obiena matapos itala ang season-best na 5.77 metro upang mapasakamay ang kauna-unahang gintong medalya ng 2026 season sa pole vault sa International Springer Meeting sa Lausitz Arena, Cottbus, Germany, Enero 29.
Sa kaniyang pangalawang kompetisyon ng season, ibinahagi ni Obiena ang titulo kay Menno Vloon ng Netherlands matapos pareho silang mag-clear ng 5.70 metro.
Pareho rin silang nabigong lampasan ang 5.84 metro, kaya’t itinanghal silang co-champions ng torneo.
“First win of the season with a new season’s best of 5.77m. Brick by brick, we build. Thank you Springer Meeting Cottbus and the amazing crowd for making this evening one to remember,” ani Obiena ayon sa panayam ng Inqurier.Net
Masayang ibinahagi ng Pinoy atleta ang kaniyang kasiyahan matapos makuha ang gintong medalya sa pole vault, na nagmarka rin ng kauna-unahang tie sa kasaysayan ng kompetisyon sa Cottbus.
With reports from Inquirer.net