FALSE: Impeachment trial ni VP Sara Duterte, umaabot sa ₱70 milyon kada araw ang gastos sa pamahalaan

Jhovance Alecxis Dajao 

Umiikot ang isang post online na nagsasabing umaabot umano sa ₱70 milyon kada araw ang gastos sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.

CLAIM:

Isang Facebook video ang inilathala noong Hulyo 9 ng Facebook page na “Nob Yem Bre” ang nagpakalat ng pahayag ni Atty. Yvette Contacto na umaabot umano sa ₱70 milyon kada araw ang gastos ng pamahalaan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa Facebook video ang:

  • Caption ng post na “Go Atty. Yvette 👍❤️”
  • Pahayag ni Atty. Yvettr Contacto na “Sabi nila every day na nagkakaroon ng impeachment, magkano ang binabayad at ginagasta sa gobyerno? P70M. Magkano ang china-charge kay VP Inday? P125M? Ito two hearings na P140M na, sobra na doon”.

RATING: FALSE

CONCLUSION:

Walang opisyal na record, dokumento ng Senado, o pahayag mula sa impeachment court na nagpapatunay na umaabot sa ₱70 milyon kada araw ang gastos mula sa impeachment trial ni VP Sara Duterte. Ang mga numerong kumalat online ay hindi sinuportahan ng anumang opisyal na dokumento o datos mula sa Senado.

  1. THE FACTS
  • Sa video, sinabi ni Atty. Contacto na umano’y gumagastos ang pamahalaan ng ₱70 milyon sa bawat araw ng impeachment trial ni VP Sara Duterte. Gayunman, wala siyang ipinakitang opisyal na dokumento o ebidensiyang sumusuporta sa naturang halaga.
  • Nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian noong Hulyo 16, 2026 na walang karagdagang gastusin ang Senado para sa impeachment trial dahil itinuturing itong bahagi ng regular na operasyon ng kapulungan. Ayon kay Gatchalian, ang prosecution at defense panels ang sumasagot sa sarili nilang gastusin tulad ng pagkain, internet, at pag-imprenta ng mga dokumento.
  • Ang pinakamalapit na lehitimong bilang na binanggit sa usapin ay ang tinatayang ₱25 milyong pang-araw-araw na operating expenses ng Senado para sa sweldo, allowances, at allowances–mga gastusing umiiral kahit walang impeachment trial. 

THE BOTTOMLINE:

Ang pahayag na umaabot sa ₱70 milyon kada araw ang gastos sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi makatotohanan. Walang opisyal na record, dokumento ng Senado, o pahayag mula sa impeachment court na sumusuporta sa naturang halaga. Nilinaw rin ng Senado na wala itong karagdagang gastusin para sa pagsasagawa ng impeachment trial at ang mga numerong kumakalat online ay walang sapat na ebidensyang nagpapatunay sa mga ito.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...