
Tapang at kumpiyansa ang ipinamalas ng mga Pilipinong sina Gary Bejino at Ernie Gawilan matapos nilang masungkit ang unang dalawang gintong medalya ng Pilipinas sa 13th ASEAN Para Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand, Enero 21.
Pinangunahan ni Bejino ang tagumpay matapos dominahin ang 400-meter freestyle S6, kung saan nagtala siya ng oras na 32 segundo upang patumbahin ang pambato ng Vietnam na si Do Thanh Hai.
Kinapos si Thanh Hai ng 26 na segundo, sapat upang masiguro ni Bejino ang panalo at maibigay ang unang ginto ng bansa sa torneo.
Sumunod namang tumarak si Gawilan sa 400-meter freestyle S7 matapos magrehistro ng 5:02.39 na oras, na naghatid sa kanya ng panibagong gintong medalya para sa Pilipinas.
Ang panalo ay dagdag sa makulay na karera ni Gawilan, na ngayo’y may kabuuang 11 gintong medalya sa ASEAN Para Games.
Ang mga tagumpay nina Bejino at Gawilan ay mahalagang ambag sa kampanya ng Team Philippines at inaasahang magpapalakas sa medal count ng bansa sa nagpapatuloy na 13th ASEAN Para Games.