Bhenzane Kurvy Supsup
Hinihimok ng panahon ang laksa-laksang henerasyon ng pagdadaupang-palad na siyang humubog sa pagtindig ng bawat kabataan. Subalit ang pagdadaupang-palad na ito ay hindi tanda ng kaduwagan, kundi sibol ng pakikipagkasundo sa bigat ng daigdig — sapagkat ang palad na marunong kumuyom ay hindi kailanman kamay ng duwag, kundi kamay ng taong may sapat na lakas upang kilalanin na hindi lahat ng digmaan ay nilalaban nang nag-iisa.
Pagitan ng Panahon
“You are weak, hindi katulad nung panahon na hindi kami iyakin,” isang pakli mula kay senator Robin Padilla na tila nagmumula sa salamin ng mga karanasang hinulma ng ibang klima ng pamumuhay—panahong ang pagtitimpi ang unang sandata at ang pananahimik ang karaniwang baluti.
Ngunit ang kasalukuyang salinlahi ay hinaharap ang mundong higit na masalimuot ang daloy: mas lantad ang unos, mas mabilis ang dagok, at mas marami ang nakikitang sugat na noon ay natatabunan lamang ng alikabok ng katahimikan; kaya’t kung mas marunong silang magsalita at umamin ng pagkapagod, maaaring hindi ito tanda ng paghina, kundi patunay na ang tibay ay natutong mag-anyo ng panibagong wika.
Lunos Linlang
“No’ng panahon namin hindi pa uso ang salitang depression,” pahayag na tila nagpapahiwatig na ang dalamhati ng kasalukuyang kabataan ay bunga lamang ng makabagong bokabularyo at hindi ng tunay na pagdurusa. Sa ganitong pagbasa, ang mga luhang ibinubuhos ngayon ay mistulang napagkakamalang arte ng panahon, sa halip na sintomas ng mga sugat na matagal nang umiiral ngunit noon ay walang pahintulot na pangalanan.
Ngunit ang hindi pagkilala sa depression ay hindi nangangahulugang wala itong iniukit na lamat sa nakaraan; higit pa rito, malinaw na ang nakaraang henerasyon ay nagtangkang itago ang mga sugat sa ilalim ng katahimikan, habang ang kabataan ngayon ay may tapang na ilantad ang kanilang pagod, lungkot, at pangungulila. Sa bawat pag-amin ng kabataang nagsasabing sila’y pagod o nalulumbay, hindi kahinaan ang nararapat makita, kundi laksa-laksang tapang sa pagbasag ng katahimikang minana mula sa nakaraan.
Laban ng Tinig
“It is not that simple, Mr. Senator. It is not that simple,” malalim na panaghoy ni Kuya Kim Atienza, dala ang alaala ng anak na nawala, sugatan sa hindi nakikitang lumbay. Tanda na ang sakit ng kabataan ngayon ay hindi biro at hindi basta-basta mapapalitan ng simpleng paliwanag.
Hindi lang palabas ang sutlang dinaramdam ng daghang kabataan ngayon, ito’y alon ng damdaming matagal nang pinipigil, bumabalot sa bawat sulok ng ulirat, at pumipintig sa kailaliman ng isipan. Ang sabihing “mahina” sila ay pagpapawalang-bisa sa tapang na kinailangan upang harapin ang kadiliman na noon ay tinakpan ng katahimikan at kahambugan ng nakaraan.
Ang pag-iyak ay hindi basehan ng tibay; ito’y salamin ng tapang na handang harapin ang sariling kadiliman. Ang mga luha ay hindi pagbagsak, kundi dangal na dumadaloy sa dibdib, humuhubog sa loob at nagbibigay daan sa lakas na hindi nasusukat sa tigas ng balat kundi sa tibay ng pusong marunong lumuha at bumangon.
Sumisibol ang lakas-loob sa dibdib na sumisiklab sa kapanglawan at tibay na hindi nasusukat sa katahimikan ng wangis.
At ang luha’y hindi kahinaan, kundi lagablab ng lakas-loob na tumatangging gumuho sa harap ng pighati. Bhenzane Kurvy B. Supsup

At ang luha’y hindi kahinaan, kundi lagablab ng lakas-loob na tumatangging gumuho sa harap ng pighati.