MISLEADING: Pangalan ng mga Pilipino, nakaukit umano sa puso ni Pangulong Marcos

Isang Facebook post mula sa Masang Pilipino ang nagsasabing ipinahayag umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang malasakit sa sambayanang Pilipino sa isang talumpati. Kalakip nito ang quote na nagsasabing nakasulat sa kaniyang puso ang “pangalan” ng mga Pilipino.

CLAIM:

Ayon sa post, sinabi umano ni Marcos: “Pag binuksan mo ’yan [puso ko], makikita pa ng mga doktor may nakasulat doon [pangalan ninyo].”

RATING:

MISLEADING

CONCLUSION:

Binago ng post ang aktuwal na sinabi ni Marcos. Sa opisyal na transcript ng kaniyang talumpati, sinabi niya: “At ’pag binuksan po ’yan, makikita pa ng mga doktor may nakasulat doon ‘FIRM.’”

THE FACTS:

  • Ang pahayag ay bahagi ng Pamaskong Handog Mula sa Pangulo noong 2025, isang pagtitipon kung saan namahagi ang Pangulo ng mga pamaskong handog at nakipagkita sa mga dumalo.
  • Kabilang sa mga dumalo ang Friends of Imelda Romualdez Marcos (FIRM), isang grupo ng mga tagasuporta ni dating First Lady Imelda Marcos.
  • Sa transcript, “FIRM” ang salitang binanggit ni Marcos. Pinalitan ito ng Facebook post ng “pangalan ninyo,” kaya nabago ang aktuwal na sipi at kahulugan ng pahayag.

BOTTOMLINE:

Hindi “pangalan ninyo” ang nasa orihinal na pahayag ni Marcos; “FIRM” ang kaniyang sinabi.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...