Pag-apruba ng PUP sa paggamit ng ‘lived names’ sa grad rites, itinuturing na tagumpay ng student council

Romilen SantanderNews28 minutes ago

Photo Courtesy of PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral

Itinuturing ng mga estudyante na isang malaking tagumpay para sa inklusibidad at proteksyon ng LGBTQIA+ community ang pagbibigay-pahintulot ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa paggamit ng “lived names” o napiling pangalan ng mga graduate sa darating na graduation rites.

Isinagawa ang pahayag matapos ang mobilisasyon ng iba’t ibang pormasyon ng mag-aaral—kabilang ang PUP Office of the Student Regent (OSR) at Alyansa ng Nagkakaisang Konseho (ANAK PUP)—noong Setyembre 12 upang muling kalampagin ang unibersidad sa isyung tatlong taon nang ipinaglalaban.

Sa isang pahayag sa Facebook, nagdiwang ang PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (PUP SKM) sa naging tugon ng administrasyon matapos ang mahabang panahon ng panawagan.

“Malinaw mula rito na tunay na makakamit natin ang tagumpay sa pamamagitan ng sama-samang pagtindig at pakikibaka! Hindi pa rito natatapos ang ating laban! Dahil hangga’t may mga polisiya pa ring umiiral sa loob ng pamantasan na nagsisilbing banta sa kalayaang pang-akademiko at demokratikong karapatan ng buong komunidad, hindi magdadalawang-isip ang mga Iskolar ng Bayan na lumaban at makibaka!” panawagan ng konseho.

Gayunman, nilinaw ni Student Regent JP Azusano na sa kabila ng magandang balita, verbal commitment pa lamang ito mula sa administrasyon ng PUP at wala pang opisyal na dokumento.

“We will still seek clarification on the mechanisms,” ani Azusano hinggil sa mga susunod na hakbang sa pagpapatupad nito.

Inaabangan ngayon ng komunidad ng PUP ang paglalabas ng pormal na memorandum o malinaw na guidelines upang matiyak ang maayos at patas na implementasyon ng ‘lived names’ sa buong sistema ng pamantasan.

Kung fully-implemented, inaasahang magiging huwaran ang PUP para sa iba pang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa sa pagtataguyod ng gender-affirming spaces at pagrespeto sa karapatan ng mga mag-aaral.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...