Strait of Hormuz, muling sinara ng Iran; presyo ng langis sumipa ng $2

Explained PHExplained PHNews2 months ago

ni Nyvelle Brillantes

Tumaas ng mahigit $2 kada bariles ang presyo ng langis ngayong Hunyo 11 nang ideklara ng Iran ang pagsasara muli ng Strait of Hormuz kasunod ng panibagong pag-atake ng Estados Unidos (US) sa bansa, dahilan ng pangamba sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa military command ng Iran, hindi makakadaan sa Strait of Hormuz ang anomang uri ng sasakyang-pandagat, kaya umakyat ng $2.30 o 2.47% ang Brent crude sa $95.40 kada bariles, habang tumaas ng $2.60 o 2.89% ang West Texas Intermediate (WTI) sa $92.63 kada bariles—dalawang pangunahing batayan ng presyo ng langis sa buong mundo.

”From this moment, due to insecurity in the region, the Strait of Hormuz is declared closed for the passage of all types of vessels including oil tankers and commercial ships, and any passage will be targeted. America’s claim of ships passing through the said strait is denied,” ayon sa Iran Central Command.

Binigyang diin ng Iran na pinaputukan na nito ang dalawang sasakyang-pandagat na nagtangkang pumasok sa strait at nagbabala na ang pagdaan sa Hormuz ay nangangahulugang pagpanig sa kalaban.

Bumaba ang crude inventory ng U.S. ng 7.2 milyong bariles na naubos lamang sa loob ng isang linggo na nagtapos noong Hunyo 5, batay sa U.S. Energy Information Administration, kumpara sa inaasahang 4 milyong bariles na pagbaba.

Bukod pa rito, bumaba rin ng 79 milyong bariles ang kabuoang imbentaryo ng krudo ng U.S., kabilang ang strategic reserves, mula nang magsimula ang tensiyon sa Iran noong Pebrero 28, habang pinupunan ng mga pangunahing supplier ang kakulangan sa suplay na dulot ng pagsara ng Strait of Hormuz.

Patuloy pa rin sa kasalukuyan ang trade attacks ng U.S. at Iran, kung saan unang nagpaputok ng “self-defense strikes” ang U.S. Central Command laban sa bansa, ilang oras matapos nag-utos si President Donald Trump na magpaputok ng “hard” at “strong” strikes.

Isinusulong naman ng Department of Energy (DOE) ang isang “aggressive” fuel transition plan upang mabawasan ang pagkadepende ng Pilipinas sa imported na langis, ayon kay DOE Secretary Sharon Garin sa naganap na miting ng Management Association of the Philippines noong Miyerkules.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Previous Post

Next Post

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...