Ngayong araw, ipinagdiriwang ang itinuturing na “kaarawan” ng mga hayop sa daigdig

Photo Courtesy of AZoLifeSciences

Espencer Estiandan

Hindi naman talaga literal na kaarawan ng lahat ng hayop ang World Animal Day, sapagkat bawat araw ay mayroong mga hayop na isinisilang.

Ngunit higit pa rito, ang pagdiriwang na ito ay nagbubuklod sa mga tao upang mas mapalawak ang kaalaman at edukasyon hinggil sa mga hayop.

Pinaaalalahanan at binibigyang-pugay rin ng gunitaing ito ang mga karapatan at kapakanan ng bawat hayop saanmang lupalop ng mundo.

Ipinagdiriwang ang World Animal Day tuwing Oktubre 4 taon-taon upang maitugma sa kapistahan ni Saint Francis of Assisi, ang patron ng ekolohiya at mga hayop.

Subalit ang kauna-unahang pagdiriwang nito ay idinaos noong Marso 24, 1925 sa Berlin, Germany. Ito ay sinimulan ni Heinrich Zimmermann, isang cynologist.

Bukod sa pangalang World Animal Day, kilala rin ito bilang World Animal Welfare Day o World Animal Protection Day.

Lumawak ang pagdiriwang na ito mula pa noong 1925 dahil sa mga pandaigdigang organisasyon na nagsusulong ng kapakanan ng mga hayop. Layunin ng mga ito na mabawasan ang pang-aabuso at pagdurusang nararanasan ng mga hayop.

Sa katunayan, maraming paraan upang maipagdiwang ang World Animal Day. Kahit sa simpleng pagsasalita para sa kapakanan ng mga hayop ay maaari nang makapagdulot ng malaking pagbabago.

Samakatuwid, dahil bawat araw ay may mga hayop na isinisilang, walang iisang petsang maaaring ituring na literal na kaarawan ng mga hayop.

Bagama’t hindi literal na kaarawan ng mga hayop ngayon, marahil iisa lamang ang kanilang hiling—ang mabawasan na ang sigalot at pang-aabuso at pagmamalupit ng mga tao sa kanila.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...