Bulkang Mayon, pumutok; Alert Level 3, itinaas

Joseph Juanillas

Nagkaroon ng pagputok ang Bulkang Mayon, na nagsimula bandang 11:53 ng umaga at natapos dakong 11:59 nitong ika-30 ng Oktubre.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), isang explosive eruption ang naganap dahil sa pagkapira-piraso ng magma, o tunaw na bato, habang umaakyat ito sa bukana ng bulkan.

Naglabas ito ng abo (ash), batong-buga (pumice stone), at escoriya (scoria), na nagdulot ng malakas na pagsabog na narinig ng mga residente malapit sa Mayon.

Bumuga rin ang bulkan ng maitim na abo na may taas na umabot sa tatlong kilometro. Dahil dito, nagbabala ang PHIVOLCS tungkol sa posibleng ashfall.

Pinayuhan ang publiko na takpan ang ilong at bibig gamit ang basang tela o dust mask upang maiwasan ang mga komplikasyon sa kalusugan, tulad ng iritasyon sa baga.

Itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang estado ng Mayon, na nagpapahiwatig ng tumataas na aktibidad ng bulkan.

Kabilang sa mga posibleng panganib ang pagdaloy ng lava at uson (pyroclastic density currents) sa paligid ng bulkan, volcanic earthquakes, at rockfall.

Dahil dito, ipinag-uutos ang paglikas ng mga residente sa mga apektadong lugar. Ipinagbabawal din ang pagpasok sa danger zone at pinaiiwasan sa mga sasakyang panghimpapawid ang 6-kilometer expanded danger zone sa palibot ng Mayon.

Patuloy ang pagmamanman sa aktibidad ng Mayon upang matukoy ang mga pagbabago sa kondisyon ng bulkan.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...