
Isang Facebook post ang nagsasabing kakasuhan ni Rovelyn Baterbonia ang mga taong manggaya sa rebulto ng kanyang yumaong anak na si Rene Baterbonia at ginagawa itong katatawanan.
CLAIM:
Ayon sa post, “KAKASUHAN NA!! Rovelyn Baterbonia, kakasuhan na ang sinumang manggaya sa kanyang anak.”
RATING: FACT
CONCLUSION:
Totoo na nagbabala si Rovelyn ng pagsasampa ng kaso laban sa mga taong nangungutya sa kanyang anak batay sa News 5. Gayunman, hindi agad nangangahulugang may pananagutang legal ang lahat ng gumagaya sa rebulto ni Rene.
FACTS:
THE BOTTOMLINE:
May karapatan si Rovelyn na igiit ang paggalang sa alaala ng kanyang anak, ngunit hindi ibig sabihin na may pananagutan sa batas ang sinumang gumagaya sa rebulto ni Rene o ginagawa siyang katatawanan. Nakadepende sa konteksto at mga pangyayari kung may batayan para sa pagsasampa ng kaso.