Pag-apruba sa total social media ban sa minors, kinondena ni Sen. Hontiveros

Photo Courtesy of Asia News Network/Newsbytes.ph

Humarap sa matinding pagtutol mula kay Sen. Risa Hontiveros ang Senado matapos nitong aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2424, o ang Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) Act, na naglalayong limitahan at ipagbawal ang paggamit ng social media para sa mga menor de edad sa bansa.

Sa 17 senador na bumoto, si Hontiveros lamang ang nag-iisang tumutol sa panukala. Nakakuha ng malakas na suporta sa kapulungan ang bill dahil sa layunin nitong protektahan ang kabataan laban sa mga panganib mula sa internet tulad ng cyberbullying, online exploitation, at nakapipinsalang content.

Sa kanyang inilabas na pahayag, tahasang tinutulan ng senadora ang outright ban para sa mga Pilipinong wala pang 18 taong gulang. 

Ayon sa kanya, bagama’t totoo ang mga banta sa digital space, ang kumpletong pagbabawal ay magkakait sa kabataan ng oportunidad sa edukasyon at pangkabuhayan.

Binigyang-diin din ni Hontiveros na sa ilalim ng UN Convention on the Rights of the Child, kinikilala ang evolving capacities ng mga bata.

“Kaya naniniwala ako na imbes na tuluyang ipagbawal ang social media sa mga minors, mas magiging epektibo ang pag-implement ng tiered restrictions for adolescents,” aniya.

Iminungkahi ng senadora na gamiting baseline ang edad na 15 taong gulang—ang legal age para sa pagboto sa Sangguniang Kabataan (SK) at ang edad kung kailan maaari nang legal na magtrabaho ang isang kabataan.

Nagbabala rin siya na ang kompletong pagbabawal ay magtutulak lamang sa mga teenager na gumamit ng social media nang palihim sa dark web, kung saan mas malaki ang panganib ng abuso dahil malayo ito sa paningin ng mga magulang at awtoridad.

Dahil dito, nanawagan si Hontiveros na sa halip na alisan ng access ang mga bata, mas dapat paigtingin ang pananagutan ng mga tech giants na gawing ligtas ang kanilang disenyo (safety-by-design) at turuan ang kabataan ng digital literacy bilang isang mahalagang life skill sa modernong panahon.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Previous Post

Next Post

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...