Bago ko malaman, ramdam ko na ang kaba

ni Dorothy Gonzales

May himig pero walang salita, nangangapa pa. Hindi ko pa natutukoy ang dahilan, wala pa akong bokabularyo sa aking nadarama. Sa mga araw na nais kong makihalubilo sa mga tao, tila ba isang notang mas mataas o mas mababa ang tinig ko. Laging naiiba, laging hindi tugma. Doon ko napagtanto na sa mga kantahan at talastasan, hinahanap ko ang aking sarili sa gilid, sumasabay sa himig pero kulang pa rin ng isang nota.

Bata pa lang ako, nararamdaman ko na ang pagkakaiba ng iyon bago pa ako turuan magsalita. Alam kong iba ako sa ibang lalaki at babae, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit. Wala pa akong salitang “bading.” Wala pa akong diksyonaryo para sa damdamin. Ang meron lang ako ay isang bigat sa dibdib tuwing pilit kong tinatapat ang sarili ko sa melodiya na hindi naman para sa akin. Naririnig ko ang mundo, pero hindi ako makasabay nang hindi nasasaktan ang sarili.

Pinag-aaralan ko kung paano lumakad, magsalita, at tumawa ayon sa inaasahan ng iba. Tinago ko ang bahagi ng aking puso na hindi kasya sa mga hulma na ibinigay sa akin. Pero sa bawat gabing tahimik, doon ko naririnig ang sarili kong paghinga, malinaw, matatag, at hindi humihingi ng permiso para umiral. Doon ko natutunang ang pag-ibig sa sarili ay hindi pagsigaw; minsan, ito ay ang simpleng pagpili na huwag ka nang lumayo sa iyong sariling piling.

Ngayon, alam ko na ang salita, ngunit hindi ko binitawan ang batang ako na namuhay sa katahimikan. Siya ang aking pundasyon. Ang batang hindi marunong magsalita ang siyang nagturo sa akin na ang aking halaga ay hindi nakasalalay sa kung paano ako tatagurian ng iba, kundi sa kung paano ko pinangalagaan ang apoy na nanatiling buhay kahit walang nakakaalam. Ang pagkatao ko ay hindi isang kaganapang nagsimula sa wika. 

Ito ay isang paglalakbay na nagsimula sa pakiramdam.

Lumipas ang mga taon na puno ng pagbabalatkayo. Nakita ko ang mga lalaki, nakita ko ang mga babae, at sa pagitan ng kanilang mga kilos, mayroon akong kinikilos na tila banyaga sa aking sariling katawan. Nag-aaral akong tumingin nang hindi nakikita, at magsalita ng hindi nakikinig sa sariling boses. Ang bawat pagtango sa mga inaasahan ng mundo ay isang maliit na pagkamit ng pagkakapariwara, isang tahimik na paglilibing sa bahagi ng aking pagkatao na naghahanap ng liwanag.

Kaya kung may nakikita kang nilalang na naghahanap pa ng kanyang tinig, huwag mong madaliin ang kanyang pagbigkas. Hayaan mong maramdaman niya ang kanyang sarili bago niya ito ipakilala sa mundo. 

Minsan, ang pinakamagandang bahagi ng ating pagkatao ay iyong mga lihim na tanging puso lamang ang nakakaalam, at sapat na iyon upang tayo ay magpatuloy.

Huwag mong hayaang ang kahapon mo na puno ng pagtatago ang magdikta ng iyong bukas. Maging matapang, maging totoo, at hayaan mong ang iyong boses ang maging himig na magpapalaya sa iba pang naghahanap pa ng kanilang sarili.

6 Votes: 5 Upvotes, 1 Downvotes (4 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...