China, nagsasagawa ng illegal marine research sa ilang bansa sa SEA 

Photo Courtesy of gCaptain

‎Naiulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsasagawa ng China ng ilegal na pagsisiyasat sa karagatan ng Pilipinas, Indonesia at Taiwan.

Ito ay matapos mamataan ang kaparehong Chinese survey vessel sa tatlong bansa na nagpapataas ng mga tanong kung anong uri ng impormasyon ang kinokolekta at kung paano ito maaaring gamitin.

‎Pinakahuli rito ang presensya ng Chinese survey vessel na Haiyang Dizhi Shihao sa Philippine exclusive economic zone (EEZ) sa loob ng 25 araw, kabilang ang tatlong linggo sa loob ng 12-nautical-mile territorial sea ng Bajo de Masinloc.

‎Ayon sa PCG, walang Philippine permit na inilabas para sa marine scientific research activities ng barko.

‎“She is not an ordinary research ship. Operated by the Guangzhou Marine Geological Survey under China’s Ministry of Natural Resources, she is drilling-capable,” ani ni PCG spokesperson Rear Adm. Jay Tarriela.

‎Hindi lamang Pilipinas ang nakararanas ng naturang aktibidad.

‎Noong 2021, gamit ang parehong barko ay iniulat na gumugol ng halos isang buwan sa North Natuna Sea, sa loob ng EEZ ng Indonesia. 

‎Ang survey nito ay isinagawa malapit sa bahagi ng continental shelf ng Indonesia at sa lugar na may interes sa oil and gas exploration.

‎Samantala, nitong Agosto 2026, gamit pa rin ang kaparehong barko, nagsagawa ang Chinese Ministry of Natural Resources ng seabed survey sa karagatang silangan ng Taiwan mula Agosto 10 hanggang 31.

‎Ayon sa China, layunin ng naturang survey na maunawaan ang geological at structural characteristics ng seabed at makatulong sa territorial planning at resource management na agad namang tinutulan ng Taiwan.

‎Sa kaso ng Pilipinas, wala pang inilalabas na pampublikong ebidensiya na nagpapatunay kung ano mismo ang layunin ng Haiyang Dizhi Shihao sa 25-araw nitong pananatili.

‎Hindi lamang siyensya?

‎Bagama’t may lehitimong gamit sa siyensya ang seabed mapping, maaari ring magkaroon ng mas malawak na kahalagahan ang impormasyong nakukuha mula rito.

‎Sa isang imbestigasyon noong Marso 2026, natukoy ang dose-dosenang Chinese research vessels na nagsasagawa ng seabed mapping sa  bahagi ng Pacific, Indian at Arctic oceans. 

‎Ayon sa mga naval experts, maaaring gamitin ang naturang oceanographic data sa pag-unawa sa underwater environment, kabilang ang mga kondisyong mahalaga sa submarine operations.

‎Kabilang sa maaaring maitala sa seabed surveys ang geological structure at iba pang katangian ng ilalim ng dagat. 

‎Dahil dito, ang parehong datos na kapaki-pakinabang sa civilian research ay maaari ring magkaroon ng strategic applications.

‎Habang sinasabi ng China na ang ilang survey ay para sa siyentipikong pananaliksik, territorial planning at resource management, ipinapakita naman ng mga eksperto ang seabed information ay maaari ring magkaroon ng strategic applications.

‎Sa kabila ng mga pahayag ng China na nakatuon sa siyentipikong pananaliksik ang mga seabed survey nito, nananatiling hindi malinaw kung ano ang eksaktong impormasyong nakokolekta mula sa mga karagatang sakop ng Pilipinas, Indonesia at Taiwan.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...