
Jhovance Alecxis Dajao
Umiikot ang isang post online na nagsasabing dumalo at sumali si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kamakailan sa rally ng Iglesia ni Cristo (INC).
CLAIM:
Isang Facebook reel noong July 2, 2026 ang nagbahagi ng isang video na nag-aangking dumalo kamakailan si Senator Bato dela Rosa sa isang rally ng Iglesia ni Cristo na may nakalagay sa video na “Senator Bato nasa rally ng INC” at “Pakisabi kay Trillanes, hulihin niya na kung mahanap niya.”.
Kabilang sa nilalaman ng post ang:
RATING: FALSE
CONCLUSION:
Walang opisyal na tala, beripikadong footage, o anumang mapagkakatiwalaang ebidensiya na nagpapatunay na dumalo si Senador Bato dela Rosa sa mga rally ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Hunyo at Hulyo 2026. Ang kumakalat na footage ay mula sa isang ulat ng ABS-CBN News Channel na kinunan noong Enero 13, 2025, kaugnay ng isang peace rally na ginanap sa Quirino Grandstand.
THE BOTTOMLINE:
Hindi ipinapakita ng kumakalat na Facebook reel ang pagdalo ni Senador Bato dela Rosa sa isang kamakailang rally ng Iglesia ni Cristo (INC). Ang footage ay kinunan noong Enero 13, 2025 sa ginanap na “National Rally for Peace” ng INC at muling ipinakalat bilang kuha mula sa rally ng INC noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 2, 2026.