MANAHI MI, MAG-ILHANAY TA (Magtatahi kami, kilalanin natin ang isa’t isa)

Sa talim ng munting karayom, hinabi muli ng mga artista mula UP Cebu ang pagkakakilanlan ng Pilipino sa bawat sinulid ng ala-ala at kultura.

Nagningning ang mga talento ng kabataang Pinoy sa entablado ng Foro de Intramuros, Manila noong Oktubre 22 para sa pambansang patimpalak ng Tech-Know Fashion Show 2025, ang DOST-PTRI Stitch Off: Filipiniana-coded.

Dito, itinanghal na kampeon ang University of the Philippines Cebu sa kanilang koleksyong “Paghinumdom sa mga Adlaw”.

Higit pa sa pagiging malikhain sa pagbuo ng kasuotan, kundi ang paggunita sa tunay na diwa at halaga ng ating pinagmulan.

Pagsulsi Sa Alaala

Sa larong bumuo ng ating kabataan isinentro ang koleksyon nilang “Paghinumdom sa mga adlaw” — piko, tumbang preso, luksong baka — ang naging inspirasyon sa kanilang sining.

“The pieces translated these memories into garments that were playful in form, vibrant in color, and a fitting contemporary tribute to the Filipiniana,” ayon sa ulat ng UP Cebu Design Program.

Sa likod ng magagara at makukulay na disenyo ay may halong determinasyon at tapang na pinangtagpi sa hirap at pagod ng mga student-designer na sina Lee Paras, Rue Langamen, at Faye Alvinez.

“We were encouraged by our faculty mentors, Sir Edwin and Mx. Rob, to participate in the competition. They later decided to merge the three of us into one group, seeing the potential of our combined creativity. What truly made us decide to join was the opportunity to explore fashion design beyond our discipline and challenge ourselves to create something meaningful,” pagbahagi ni Paras.

Tatlong mag-aaral mula sa iba’t ibang sulok ng Visayas at Mindanao, pinagtagpo sa UP Cebu sa pamamagitan ng sinulid ng oportunidad at ng karayom ng tiwala.

Paggunita sa Ala-Ala ng Kabataan

“Faye [Alivinez], first suggested the idea of Filipino childhood games, which eventually evolved into something more personal, a reflection on nostalgia and memory,” paliwanag ni Lee.

Bilang mga batang naipanganak noong early 2000s, naramdaman nila ang dalawang mukha ng kanilang karansan—ang tradisyunal at digital.

“That duality inspired Paghinumdom sa mga Adlaw (‘Remembering the Days’) a collection that looks back at the simplicity, joy, and playfulness of our youth, and how those moments shaped who we are today.”

Sa anim na pirasong kanilang nilikha, isinalin nila ang mga larong Pilipino sa anyo ng sining: takyan (sipa) para sa wearable looks, sarangola para sa formal wear, at sungka para sa haute couture pieces.

Mula sa mga tela hanggang sa aksesorya, sinadyang gamitin ang mga materyales mula sa lokal na pamilihang Carbon Market sa Cebu.

“The collaboration with the Negros Nine Weaving Association added depth to our designs, their checkered blue and white woven fabric brought rich texture and authenticity to our pieces,” dagdag pa ni Lee.

Dahil karamihan ng tela mula sa PTRI ay plain, sinubukan nilang i-bleach ang mga ito upang magkaroon ng visual texture. “The result was a vibrant mix of creativity, culture, and memory.”

Pagsusumikap sa Kabila ng Pagyanig

Tulad ng sinulid at butas ng karayom, hindi naging madali ang daan para sa kanila.

“Because of the earthquake po hindi namin nagamit lahat ng facilities kasi yung facility namin nasa taas ng mga building kaya binaba po lahat, doon po kami sa open area gumagawa po hanggang madaling araw kaya kapag nag a-aftershock mabilis kaming nakakapag evacuate,” ani Langamen.

Gayunpaman, sa gitna ng mga pagyanig, pinili nilang manatali at manahi nang may panalangin at paninindigan.

“The bleaching felt like play for us, so the whole time we were enjoying everything,” dagdag pa ng kapwa designer na si Alvinez.

Pagpupunyaging Sinuklian ng Tagumpay

“We honestly didn’t expect to win at all, especially being surrounded by such talented and skillful contenders, many of whom were actual fashion students,” pagbabalik ni Lee.

Sa dami ng magagaling na kalahok, hindi nila inasahang tatawagin ang kanilang pangalan.

“When the 2nd and 1st runner-up were announced, and our team was declared the winner, we were completely overwhelmed, shocked, happy, and even crying. It felt surreal. As non-fashion practice students, winning was truly unexpected, but we were proud that our story and concept stood out.”

Mula sa simpleng hangaring makibahagi, nauwi ito sa karangalang nagbigay dangal sa unibersidad, at higit sa lahat, sa kulturang Pilipino.

Mga Hibla ng Aral 

Hindi lamang tropeo ang kanilang naiuwi, kundi mga aral na kailanman ay hindi mapupunit.

“This experience taught us to believe in ourselves more, that even as students still learning, we are capable of creating something impactful,” ani Lee.

“Most importantly, we hope our journey inspires other student designers to dream big and trust their creative process, no matter how unfamiliar the path may be.”

Pagkatapos ng kompetisyon, balak ng grupo na magpokus muli sa pag-aaral ngunit nananatiling bukas sa mga bagong oportunidad.

Paghahabi sa Bukas

Mula sa tatlong Fine Arts student, nabuo ang koleksyong nagpatunay na ang sinulid ng kultura ay buhay pa rin sa bawat kabataang Pilipino.

Sa bawat abala dala ng pagyanig, naihatid nila ang mga panggayak na simbolismo ng pagmamahal sa sining at kultura sa runway ng Intramuros.

Ang “Paghinumdom sa Adlaw” ay higit pa sa isang koleksyon at disenyo ng mga kasuotan, sapagkat ito ay mga hibla ng mga ala-alang sumasagisag sa ating kabataan at pagiging Pinoy.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...