
Sumugal ang Alas Pilipinas U18 Women’s Volleyball team ngunit kinapos kontra Thailand sa labanan ng ikatlong puwestong kanilang kampanya sa Asian Youth Games 2025, 26-24, 25-20, 26-24 nitong ika-29 ng Oktubre sa Isa Sports City, Bahrain.
Matatandaang natalo ng Thailand ang Alas noong preliminary rounds ng kompetisyon, ito na ang ikalawang beses na natalo ang Pilipinas sa team Thai sa ginanap na battle for third.
Humarabas ang 15-anyos ng Bacolod City na si Rhose Almejandro ng 15 puntos mula sa 13 attacks sapat upang subukang makamit ang tanso sa torneyo.
Nag-ambag din sina Harlyn Serneche at Samantha Cantada ng tig-8 puntos, habang Jaila Adrao ay nagtala ng 5 puntos para sa koponan.
“We fell short but we still fought,” ani Adrao
Sa kabila ng pagkatalo, lubos na pinasalamatan ng Alas ang mga Pilipinong sumuporta sa kanila simula nung pagbubukas ng torneyo, isang inspirasyong nagsilbing sandata upang maipaglaban ang bandera ng bansa.
Matatandaang natalo ng Thailand ang Alas noong Preliminary rounds ng kompetisyon, ito na ang ikalawang beses na natalo ang Pilipinas sa team Thai sa ginanap na battle for third.
Samantala, nagtapos ang Alas Pilipinas Women’s sa ikaapat na puwesto matapos ang kanilang masigasig na kampanya sa Bahrain.