‘Rotten potatoes’, banta sa agrikultura o pag-asa sa agham at teknolohiya?

Photo Courtesy of Fun with Microbiology/Microbial Foods

Madalas na sahog sa menudo, kaldereta, adobo, at iba pang mga pagkaing Pinoy—ito ang gulay na patatas. Gayunpaman, maaaring dumating ang araw na mabawasan ang produksyon nito dahil sa organismong nasiyasat sa isang pananaliksik.

Natuklasan ng grupo nina Jomar John Isidoro  mula sa  Polytechnic University of the Philippines (PUP) na mayroong plant pathogen na Geotrichum candidum ang ilan sa mga lokal na produksyon ng patatas sa Pilipinas na maaaring magdulot ng kawalan sa industriya nito sa Pilipinas. 

Ang pathogen ay isang organismo na nagdudulot ng sakit. Ilan sa mga halimbawa nito ang bacterium, virus, parasite, fungus, at iba pang mga organismo.

Ginanap sa Department of Science and Technology (DOST) Balik Scientist Program, na pinangunahan ni Dr. Christian Joseph Cumagun, isang postdoctoral na mananaliksik mula sa University of Idaho, at College of Science Dean Dr. Lourdes Alvarez ang isang sesyon upang gabayan ang mga ito sa pagtuklas ng plant pathogen sa patatas.

Ang Geotrichum candidum ay isang plant pathogen o fungus pathogen—organismong nagdudulot ng sakit at pagkamatay sa halaman—na nagsasanhi sa pagkabulok o pagbuo ng mold sa mga prutas at gulay. Dahil sa pathogen na ito, ang mga patatas ay nagsasanhi sa kalagayan na ‘rubbery rot’. 

Gayundin, mayroon itong naidudulot na kasamaan at kabutihan batay sa proseso at gamit nito.

Pagbubunyag ng banta

Sa agrikultura, ang Geotrichum candidum nagiging dahilan sa malawakang impeksyon ng mga pananim kagaya ng kamatis, saging, at kamote. 

Kalimitan na lumalaganap ito sa pamamagitan ng ilang mga salik sa kapaligiran. Ilan sa mga ito ang mga insekto na maaaring magdala ng impeksyon, kasama na rin ang kalagayan ng himpapawid at malakas na ulan—partikular na nasa tropikal na rehiyon ang Pilipinas.

Dahil dito, maaaring magdulot sa pagkasira ng kalidad ang mga prutas at gulay na maaaring humantong sa pagbawas ng produksyon sa industriya.

Naging babala na mabigyan ng panandaliang panawagan ang pagpalaganap nito, partikular sa sektor ng agrikultura sapagkat posible rin na maapektuhan ang ekonomiya at lagay ng presyo sa mga pamilihan—na posibleng mapataas ang presyo.

Pagpupugay sa posibilidad

Hindi ito ganap bilang isang nakapipinsalang impeksyon lamang.

Ang Geotrichum candidum ay ginagamit din sa industriya ng pagkain; sa mga pagawaan ng gatas, paggawa ng keso at ilang tradisyonal na fermented milks. Ilan sa mga halimbawa ang Brie at Camembert keso.

This discovery is a big step for local agricultural research,” ulat ni Isidro, sapagkat maaaring mabawasan ang paglaganap ng impeksyon sa iba’t iba pang prutas at gulay. Magiging daan ito pareho para sa sektor ng agrikultura at ekonomiya.

[Ang pagtuklas nito ay isang malaking hakbang para sa lokal na pagsasaliksik sa agrikultura.]

Ayon sa Department of Science and Technology Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), ang produksyon ay nakakatugon sa pangangailangan sa ilang mga lugar, mayroong ilang sitwasyon na mababa ang ani kumpara sa ibang lugar sa mundo, kung kaya nagsisikap na mapabuti ang kalidad ng binhi at mga teknikal na kasanayan.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng PUP na nakahanay ang pananaliksik sa United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), partikular na sa SDG 1: Zero Hunger. Mahalagang tumugon ito sa pagpapabuti ng kalidad ng pang-araw-araw na pagkain na mayroon layunin sa kalusugan ng bawat indibidwal.

Ayon sa World Health Organization (WHO), mainam na kumain ng mga masustansyang pagkain kagaya na lamang ng mga prutas at gulay, bagkus maaari nito maiwasan ang mga depekto na maaaring makaapekto sa kalusugan at kalagayan ng katawan. 

Sa kabila ng banta sa produksyon ng patatas, hindi nagtatapos ang patuloy na pag-aaral hinggil sa maaari pang sanhi sa pagbawas ng produksyon nito—pati na rin sa iba’t ibang pananim. Kung kaya hindi kinakailangan mag-alala, sapagkat buo pa ang sangkap sa mga masasarap na lutong bahay.

Ang pagkabulok ay hindi laging nangangahulugang kawalan, sapagkat dito rin nagsisimula ang pag-usbong ng kaalaman. Sa tulong ng agham at teknolohiya, ang mga  “rotten potatoes” ay maaaring maging susi sa mas ligtas, mas matatag, at mas produktibong agrikultura sa hinaharap.

11 Votes: 10 Upvotes, 1 Downvotes (9 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...