Isang post? Nakaaapekto ito sa buhay ng Tarsier

Photo Courtesy of University of Philippine 

May napatay ka na bang Philippine Tarsier dahil sa aktibidad mo sa social media? Alamin!

Ang mamamayan ng Pilipinas ay may kapangyarihan upang magprotekta sa mga tarsier, o magsapanganib nito—hindi sa pisikal na aksyon kundi sa pamamagitan ng social media. 

Mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, College of Science’s Institute of Biology (UPD-CS IB), sinuri ng biologists na sina Maria Tabeta at Gabreil Bejar ang mga pampublikong post sa Facebook na mayroong kaugnayan sa mga Philippine Tarsier.

Nangolekta ang mga siyentipiko ng humigit-kumulang 1,125 na post mula 2006 hanggang 2024, na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga lugar kung saan nakatagpo ng tao ang mga tarsier. 

Ang mga post na ito, bagaman tila simpleng pagbabahagi lamang online, ay nagsisilbing bakas na maaaring magbunyag ng kanilang sensitibong tirahan.

Tinukoy ng mga mananaliksik na 491 ang posts na nakatuon sa paggamit ng mga tarsier bilang atraksyon sa ecotourism.

Sa gayon ay ipinapakita nito ang kapangyarihan ng social media hindi lamang sa pagbibigay ng kamalayan, kundi sa pagtataguyod ng mga peligroso na aktibidad para sa mga hayop ng Pilipinas at sa kani-kanilang tirahan.

Sa isang click

Sa bawat pag-post ng mga tao ng tarsier sa Facebook, nakatutulong ito sa pangangalap ng datos tungkol sa mga hayop na ito.

Mula sa 1,125 na post, natukoy ang iba’t ibang engkuwentro ng mga tarsier, at naging basehan sa paggawa ng isang mapa para sa kani-kanilang mga lokasyon.

Dahil dito, ang simpleng click ng isang mamamayan ay nagiging ambag sa pag-unawa sa distribusyon at ekolohiya ng mga tarsier.

Ngunit kasabay nito, ang parehong click ay maaaring magbukas ng panganib kapag nailantad ang habitat nila, lalo na sa mga poachers.

Hanggang sa balasik

Inilunsad ng mga biologists ang Philippine Tarsier Conservation and Research Initiative sa Facebook upang mailipat, mula agham patungo sa publiko, ang wastong impormasyon.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, nagiging gabay ang impormasyon para maiwasan ang mabalasik na gawain tulad ng pagkulong at maling paggamit sa mga tarsier para sa turismo.

Inilathala rin ang pag-aaral nila sa International Journal of Primatology, na sinisiyasat ang pag-aaral tungkol sa mga primata at sinusuri ang kasaysayan at kahalagahang pang-agham nito. 

“Ipinakita ng aming pag-aaral na maaaring gamitin ang Facebook upang pagbutihin ang ating pag-unawa sa distribusyon at ekolohiya ng Philippine tarsier at upang magbigay ng karagdagang kaalaman na gagabay sa pagbalangkas ng mga polisiya at pagsasabalikat ng konserbasyon ng mga tarsier at iba pang mga primate,” ulat ng mga mananaliksik.

Samakatuwid, ang pagpigil sa balasik ng tao ay nakasalalay sa paggamit ng social media bilang kasangkapan ng pangangalaga at hindi ng pinsala. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...